Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 451 total reads

Bigyang pugay natin, kapanalig, ang mga magigiting na guro at mga estudyante na nagbalik eskwela na matapos ang halos magda-dalawang taong online classes. Kahit may konti pang takot, pumasok sila kahit hindi pa tapos ang pandemya.

Sa buong mundo, kapanalig, isa na tayo sa mga pinakahuling nagbukas ng klase. Simula Marso 2020, wala tayong mga physical classes. Ayon sa estimates ng UNICEF, mga 27 milyong estudyante sa ating bansa ang nawalan ng mahigit pa sa isang taong in-person learning.

Napakahalaga, kapanalig, na makabalik na sa paaralan ang mga mag-aaral natin. Unang una, nawalan na sila ng social interaction. Marami sa ating mga kabataan, ang kanilang mga gadgets na ang naging sandigan araw at gabi. Ni hindi mo na makausap, kasi laging nakatutok sa kanilang mga cellphones.

Marami ring mga bata ngayon, lalo na silang mga nasa grades 1, 2 and 3, ang hirap na hirap magsulat at magbasa. Para sa marami sa kanila, hindi sapat ang online learning upang matutong magsulat. Kahit pa i-demo ito sa cellphone o sa laptop, hindi pa rin ito makukumpara sa pisikal na pagtuturo ng titser at pagsasanay ng estudyante. Pagdating din sa pagbabasa, hirap ang maraming mag-aaral. Kadalasan, kapag nasa paaralan sila, ang mga bata ay sabay-sabay nagbabasa sa klase. Pag online, hirap gawin ito dahil yung iba, mabagal ang koneksyon.

Problema pa lalo ang pag-aaral ng Math sa online classes. Hindi matutukan ng guro ang kanyang mga estudyante, lalo yung mga guro na marami ang mag-aaral. Mahirap matutukan kung sino ang nahihirapang makahabol dahil maraming iba ang naka-off cam, o di kaya modular lang.

Wala na ring exercise ang mga kabataan. Dati sa school, may PE na sila, may mga activities pa sila sa paaralan na nag-uudyok sa kanilang kumilos. Ngayon, nasa bahay na lamang sila, at puro upo sa harap ng cellphone o TV ang kanilang ginagawa.

Kaya nga’t magandang balita na naging maayos ang school reopening at walang na-ireport na COVID cases sa hanay ng mga pumasok na guro at mag-aaral. Ating ipagdasal at siguraduhing tuloy tuloy na ito sa pamamagitan ng striktong pagsunod sa health protocols, maayos na bentilasyon, at mas maigting na hygiene measures.

Ang ligtas na pagbabalik eskwela ay kasama sa karapatan ng mga bata sa edukasyon. Mahalaga ito hindi lamang para sa karunungan, kundi para sa wholistic development ng mga bata. Ayon nga sa Evangelii Gaudium, ang edukasyon ay kasama sa mga sangkap ng ating kabuuang kapakanan at dignidad. Sa pamamagitan nito, nakakalahok ang mga mag-aaral sa lipunan at napupukaw ang dignidad ng kanyang pagkatao.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 106,622 total reads

 106,622 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 183,152 total reads

 183,152 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 216,600 total reads

 216,600 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 251,900 total reads

 251,900 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 474,263 total reads

 474,263 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 106,623 total reads

 106,623 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 183,153 total reads

 183,153 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 216,601 total reads

 216,601 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 251,901 total reads

 251,901 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top