Simbahan, ipinagluluksa ang pagpanaw ni Zamboanga Archbishop Dela Cruz

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 915 total reads

Nagluluksa ang Archdiocese of Zamboanga sa pagpanaw ni Archbishop Romulo Dela Cruz.

Sa mensahe ni Zamboanga Apostolic Administrator Bishop Moises Cuevas sa Radio Veritas, ipinaalam ang pagpanaw ng Arsobispo noong December 10 dahil sa matagal nang karamdaman.

“With profound sadness I wish to inform you of the passing of the Most Rev. Romulo Dela Cruz; let us pray for his eternal repose,” pahayag ni Bishop Cuevas.

Pumanaw si Archbishop Dela Cruz ganap na 11:05 ng gabi sa edad na 74 na taong gulang.

Noong July 25 ng kasalukuyang taon nang ma-stroke ang Arsobispo dahilan upang mamalagi ito sa pagamutan.

Pansamantalang itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Bishop Cuevas na obispong tagapangasiwa ng arkidiyosesis na ‘sede plena’ dahil sa pagkakasakit ni Archbishop Dela Cruz.

Si Archbishop Dela Cruz na tubong Balasan, Iloilo ay ipinanganak noong June 24, 1947, naordinahang pari noong December 8, 1972 at itinalagang obispo ni St. John Paul II noong December 17, 1987 at ginawaran ng episcopal ordination noong March 16, 1988.

Ilan sa mga misyong ginampanan ni Archbishop Dela Cruz ang pagiging obispo ng Prelatura ng Isabela de Basilan, San Jose de Antique, Kidapawan at Marso 2014 nang italagang ikaapat na arsobispo ng Zamboanga.

Hiling ni Bishop Cuevas sa mananampalataya na panalangin sa kapayapaan ng kaluluwa ni Archbishop Dela Cruz.

“May the Lord of Life, who has unlocked the gates of heaven, receive him into his eternal house,” ani Bishop Cuevas.

Dahil sa pagpanaw ng arsobispo apat na ang ‘sede vacante’ sa Pilipinas ang Archdiocese of Zamboanga, Archdiocese of Capiz, Diocese of Alaminos at ang Apostolic Vicariate of San Jose Mindoro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 106,615 total reads

 106,615 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 183,146 total reads

 183,146 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 216,594 total reads

 216,594 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 251,894 total reads

 251,894 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 474,257 total reads

 474,257 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top