Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total reads

Kapanalig, dahil sa pandemya, marami sa atin ang napilitang makisabay sa bilis ng teknolohiya ngayon. Tayo ay napiliting gumamit ng mga online banking systems pati online wallets para lamang makabili ng pagkain at iba pang pangangailangan sa tahanan. Nuong kahitikan ng mga surges o pagsipa ng mga COVID 19 cases, maraming mga Filipino ang umasa sa mga online transactions para sa kanilang mga esensyal na pangangailangan.

Kaya lamang, malaking porsyon ng ating mga mamamayan ang hindi nakakasali o nagkakaroon ng pagkakataon para sa mga online transaksyon. Hindi kasi simple para sa kanila ang makalahok dito. Dito pumapasok ang isyu ng financial inclusion.

Kapanalig, hindi lahat ng mamamayang Filipino ay malayang nakakalahok sa kalakalang nagaganap sa Internet o ang e-commerce. Para makasali kasi ang sinuman dito, mayroong mga requirements na balakid para sa marami, lalo na ang mga maralita.

Unang-una, kailangan nito ng gadgets gaya ng smartphones, tablet, o laptop o computer. Kailangan din nito ng internet connection. Bago mo makuha ito, kailangan mo ng pera, at yan ang di mapanghawakan ng marami nating mga kababayan, lalo pa nasa panahon pa lamang tayo ng pagbangon.

Pangalawa kapanalig, salik din sa sa isyu na ito ang financial literacy, pati na ang kakayahan ng mga mamamayan sa matematika. Dito sa Metro Manila hindi po natin yan binibigyang pansin, pero marami sa ating mga kababayan, lalo na sa mga malalayong lugar at rural areas, ang kailangan pa ng tulong dito. Ang simpleng pagbilang ay building block ng tao sa financial literacy at dapat mahasa ito sa murang edad pa lamang, lalo ngayong mas digital na ang transaksyon.

Kapanalig, ang mga pagbabago sa teknolohiya ay oportunidad upang lahat ay magkaroon ng pantay pantay na access sa merkado. Kung ating lamang mai-a-ayos ang digital infrastructure ng bansa at mahahasa ang abilidad sa basic math ng marami nating kababayan nangangailangan nito, mas dadami ang makakalahok sa merkado. Sa ngayon, tinatayang nasa mahigit 51 milyong Filipino ang “unbanked” sa ating bansa.

Ang financial inclusion kapanalig ay matuturing na ring karapatan ng tao dahil ito ay nagsisiguro na ang mga mamamayan ay may access sa mga financial products at services na makabuluhan at useful para sa kanila, at syempre kailangan nila. Ang simpleng ilustrasyon nito, kapanalig, ay halimbawa, elderly ka, hirap ka na maglakad, at nag-iisa ka sa bahay. Pipila ka pa ba sa  mga bayad centers o mga opisina ng service providers para magbayad? Kakayanin mo po ba?

Ayon sa Economic Justice for All, obligasyon natin na tiyakin na ang ating lipunan ay nakatutok sa pangangailangan ng mahihina at mahirap ay naka-ugat sa ating pananalig bilang Kristyanong Katoliko. “The obligation to evaluate social and economic activity from the viewpoint of the poor and the powerless arises from the radical command to love one’s neighbor as one’s self.” Those who are marginalized and whose rights are denied have privileged claims if society is to provide justice for all.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 104,027 total reads

 104,027 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 180,679 total reads

 180,679 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 214,127 total reads

 214,127 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 249,427 total reads

 249,427 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 471,920 total reads

 471,920 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 104,029 total reads

 104,029 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 180,681 total reads

 180,681 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 214,129 total reads

 214,129 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 249,429 total reads

 249,429 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top