Manindigan sa kabutihan at katotohanan, hamon ni Cardinal Advincula sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 621 total reads

Hudyat ng pagpapaigting sa kaligayahang darating ang manunubos.

Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa ikatlong linggo ng adbiyento o Gaudete Sunday.

Paanyaya ng Cardinal sa mananampalataya na isabuhay ang mga pagbasang umawit ng malakas sa kagalakan sapagkat nalalapit na ang pagdating Panginoong Hesus.

“Sinindihan natin ang kandilang kulay rosas upang ihudyat ang pagpapaigting ng kaligayan sa ating mga puso sa nalalapit na pagdating ng ating tagapagligtas na si Hesukristo sa araw ng Pasko,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Tiniyak ng arsobispo na may saysay ang paghihintay ng mamayan sapagkat darating si Hesus upang magbigay ng pag-asa sa sanlibutan tulad ng Kanyang ipinangako na kapiling at nanahan ito sa bawat Isa, kaisa sa kagalakan hatid ang pagpapanibagong dulot ng pag-ibig.

Bukod dito hinikayat din ni Cardinal Advincula ang mamamayan na tularan ang mga halimbawa ni San Juan Bautista na nanindigan sa katotohanan at kabutihan sapagkat ito ay daan ng pagpili kay Hesus.

“Tuwing pinipinili natin ang mabuti at matuwid, pinipili natin si Hesus. Tuwing naduduwag tayo na gawin ang tama at mabuti dahil nasanay at namihasa na tayo sa masama – nanganganib si Hesus sa puso natin. Jesus is not safe in our hearts. Piliin natin si Hesus,”
ani ng cardinal.

Sa liturhiya ng Simbahan hinati sa apat na linggo ang Paghahanda sa Pagdating ng Panginoon kung kailan ang unang linggo ng adbiyento ay panibagong taong liturhiko ng simbahang katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 102,559 total reads

 102,559 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 179,294 total reads

 179,294 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 212,742 total reads

 212,742 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 248,042 total reads

 248,042 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 470,595 total reads

 470,595 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top