Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 688 total reads

Ang kulay berde o green, kapanalig, ay kulay ng buhay. Sinisimbulo nito ang kulay ng mga halaman, ng mga puno, ng kasiglahan. Kapag ang kapaligiran natin ay green, presko at maaliwalas. Ito ang pangarap natin para sa ating mga syudad-na lahat sila ay maging green cities.

Ang green cities kapanalig, ay kailangang kailangan ngayon. Sa buong Asya, tinatayang mga 44 milyong katao ang nadagdag sa populasyon ng mga syudad kada taon. Sa pagdami ng tao, ang kapaligiran din ay nababago. Kadalasan, ang mga pagbabagong ito ay hindi mainam para sa kalikasan, gaya ng nakikita natin sa mga syudad ng ating bayan.

Ang mabilis na urbanisasyon sa ating mga syudad ay lubhang nakakasira na ng ating kapaligiran. Tingnan na lang natin ang ating mga katubigan. Ang mga dating daluyan ng tubig gaya ng mga ilog at tributaryo ay marumi na. Sa katotohanan, nawala na ang mga dating tributaryo at sapa ng ating mga syudad. Naging mga basurahan na sila. Kapanalig, pansinin mo – ang ibang natural na daluyan ng ating tubig sa marami nating mga syudad ay hindi lang naging basurahan, naging imburnal pa.

Ang ating mga kalye at mga daanan, nawalan na rin ng kulay, hindi ba? Dati rati, napakarami ng puno sa ating paligid, kaya’t panahon man ng tag-init, hindi mala-disyerto ang init. Ngayon, wala ng green spaces sa ating mga syudad. Hindi uso ang mga urban forests sa atin, o kahit mga pocket parks. Kaya’t hindi nakakapagtaka na mas matindi na ang polusyon sa ating kapaligiran.

Kapanalig, kailangan na nating ma-integrate ang natural conservation sa urban planning. Hindi natin dapat hinihiwalay ang dalawang konsepto at praktis na ito sa urban development. Kung ating sisirain ang kalikasan sa ngalan ng urbanisasyon, hindi sustainable, inclusive, o green ang ating mga syudad. Sa kalaunan, ang mga mamamayang nakatira rito ang mahihirapan, at ang syudad mismo ay unti-unting magde-deteriorate.

Pangarapin natin, kapanalig, na ang kinabukasan ng ating mga syudad ay green: buhay na buhay, malusog, at sustainable.  Ayon nga sa Laudato Si: The human environment and the natural environment deteriorate together.

Huwag sana nating hayaang tuluyang mabulok ang ating mga syudad. Nakasalalay ang buhay ng maraming tao dito. Ang pagkasira ng ating kapaligiran ay simbolo ng pagkasira ng ating pagkatao, at hindi natin matatago ito sa likod ng ating mga nagtataasang gusali, o sa mga bagong tulay at kalsada. Hindi natin maalagaan ang ating pagkatao kung hindi natin inaalagaan ang ating kalikasan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 122,008 total reads

 122,008 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 156,685 total reads

 156,685 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 178,860 total reads

 178,860 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 215,346 total reads

 215,346 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 226,035 total reads

 226,035 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 122,009 total reads

 122,009 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 156,686 total reads

 156,686 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 178,861 total reads

 178,861 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 215,347 total reads

 215,347 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top