Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, nakaalalay sa rehabilitasyon ng mga nasalanta ng bagyong Odette

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 873 total reads

Patuloy na bumabangon ang Apostolic Vicariate ng Puerto Princesa sa Palawan mula sa epekto ng bagyong Odette.

Ito ang tiniyak ni Rev. Fr. Jasper Lahan, ang tagapamuno ng Typhoon Odette Response ng Bikaryato.

Sa panayam ng programang Caritas in Action kay Fr. Lahan, patuloy silang umaalalay sa mga naapektuhan ng bagyo una sa pamamagitan ng relief distribution at ngayon ay sa bahagi naman ng rehabilitation ng mga nasirang mga bahay.

Sinabi ni Fr. Lahan na kumikilos na ang kanilang tanggapan upang makapagbahagi ng tulong sa mga nasira ang mga tahanan dahil sa bagyo katuwang ang Caritas Manila.

“Ngayon po syempre bilang Simbahan, tayo ay nag susumikap na itaguyod at tulungan ang mga nangangailangan, kaya tayo tumutugon gawa po ng ating ugnayan with Caritas Manila ang projects nila ay kami po ang nag-i-implement dito sa Bikaryato tulad ng relief and rehab,” pahayag ng Pari sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinagpapasalamat ni Fr. Lahan ang pagtugon ng mga mananampalataya sa kanilang pangangailangan at maging ang kagustuhan ng kanilang mga kababayan na tumulong sa mga isinasagawang relief.

“Ang kabutihan lang din po na nagyayari ngayon ay overwhelming ‘yun response ng volunteers kahit may pandemya pero kapag pagtulong sa kapwa pag-aayos ng mga goods napakarami po ng mga nagvo-volunteer, ‘yan po ang isa sa pinagpapasalamat namin, ‘yun social awareness ng mga Kristiyano na kapag mayroon kailangan tugunan sila po ay nagsusumikap na makibahagi ng pamimigay ng mga goods.”

Ipinahayag ni Fr. Lahan na bukas ang kanilang tanggapan at ang Bikaryato ng Puerto Princesa para sa lahat ng nais magbahagi ng tulong at makibahagi sa kanilang mga ginagawang pagtulong para sa mga naapektuhan ng bagyo.

Magugunitang bago ang Kapaskuhan ng taong 2021 ay labis na napinsala ang ilang mga lalawigan sa Visayas at Mindanao dahil sa pananalasa ng bagyong Odette at hindi rin nakaligtas dito ang Palawan na huling tinamaan ng bagyo.

Tinatayang aabot sa 1.2 milyong inidibidwal ang napinsala ng bagyong Odette sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 51,443 total reads

 51,443 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 131,035 total reads

 131,035 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,482 total reads

 164,482 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 199,780 total reads

 199,780 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 424,258 total reads

 424,258 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,777 total reads

 111,777 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top