Pondo ng Pinoy, magsasagawa ng intervention sa 10-diocese na apektado ng bagyong Odette

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,299 total reads

Inihayag ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. na nagbahagi ito ng tulong sa 10 Diyosesis o lalawigan na naapektuhan ng bagyong Odette.

Sa segment na Pondo ng Pinoy sa Caritas in Action, sinabi ni Ms. Carmela Anne Nequinto, program officer ng PNPCFI na nakipag-ugnayan ang kanilang tanggapan sa mga Diyosesis na sinalanta ng bagyong Odette na kanilang pinadalhan ng mga paunang tulong na nagkakahalaga sa 50 libong piso bawat isa.

Inihahanda din ng Pondo ng Pinoy ang pagsasagawa ng intervention sa iba pang programa na kakailanganin ng mga apektadong Diyosesis tulad ng house rehabilitation, education at livelihood.

“marami tayo opportunity and chances na pwedeng ibigay sa kanila. diyan papasok ang projects na pinopondohan ni Pondo ng Pinoy kasi kapag rehab it involves yun mga pang-kabuhayan at mga intervention sa health, sa education, kasi for example kapag nasalanta sila ng bagyo kasi yun way ng pag-aaral ng mga kabataan nangangailangan din sila ng tulon tapos of course in terms of housing baka kailangan din nila i-rebuild yun kanilang mga bahay.”

Tiniyak ni Nequinto na bukas ang Pondo ng Pinoy para sa mga parokya o diyosesis na nangangailangan ng ibayong tulong upang makabangon mula sa pinsala na iniwan ng bagyo.

“sa Pondo ng Pinoy hindi lang kami naghihintay ng lalapit sa amin we are also doing our part lalo na sa panahon ng disaster .. so kami naghanap na din kami ng pwede i-contact sa mga areas na nabanggit lalo na sa areas na nasalanta”dagdag pa ni Nequinto.

Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng Pondo ng Pinoy sa patuloy na suporta ng mga mananampalataya na sa kabila ng krisis na dala ng pandemya ay patuloy pa din na nagbabahagi ang marami para sa programa na sinimulan ng noo’y Arsobispo ng Maynila, Cardinal Emeritus Gaudencio Rosales taong 2004.

“ngayon nalalaman namin na talagang nag-papatuloy ang mga kapanalig natin sa pagbibigay ng 25 cents ibig sabihin na [isinabuhay] nila yun spirit of giving na ina-advocate ng Pondo ng Pinoy, hindi lang sa 25 centavos pero yun maliit na tulong regardless if financial or acts yun ang mahalaga lalo na kung rooted siya sa pagmamahal sa kapwa”

Magugunitang ilang mga lalawigan sa Visayas at Mindanao ang labis na pininsala ng bagyong Odette bago ang pagtatapos ng taong 2021 kung saan tinatayang umabot sa 1.2 milyong pamilya ang naapektuhan batay sa tala ng Philippine Statistics Authority.

Magpa hanggang sa ngayon ay aktibo na kumikilos ang iba’t-ibang organisasyon ng Simbahang Katolika para makatulong sa mga naapektuhan ng nasabing bagyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,429 total reads

 50,429 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,077 total reads

 130,077 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,524 total reads

 163,524 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,822 total reads

 198,822 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,358 total reads

 423,358 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,766 total reads

 111,766 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top