Sundin ang kalooban ng panginoon sa pagboto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 687 total views

Inihayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na mahalang sundin ang kalooban ng Panginoon sa paghalal ng mga pinuno ng bayan.

Ito ang mensahe ng obispo sa Pulitika at Pananampalataya segment ng Barangay Simbayanan ng Radio Veritas 846.

Paliwanag pa ng 1987 Constitution framer na nararapat gawing batayan ng mga botante ang kaloob ng Diyos sa pagpili ng mga lider.

“Napakahalaga na ang unang disposition ng tao ay ang makiisa sa Diyos, ano ba ang kalooban ng Diyos? Sa lahat ng pipiliin mo, mahalagang itanong muna kung ano ba ang gusto ng Diyos?” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng obispo na kung susundan ang makamundong standards sa pagpili ng mga pinuno malaki ang posibilidad na iiral sa lipunan ang makamundong uri ng pamamahala at isasantabi ang gawaing maka-Diyos.

“Without this discipline wala tayong pag-asa na makakamtan ang mga leaders na tama para sa atin,” giit ng obispo.

Bukod dito hinimok ni Bishop Bacani ang mamamayan lalo na ang 63-milyong botante na suriing mabuti ang bawat kandidato partikular na ang pinagmulan, kakayahan at karanasan sa paglilingkod sa pamayanan.

Kinundena ng obispo ang laganap na fake news sa lipunan lalo na sa social media na unang pinangangambahang makaapekto sa nalalapit na 2022 National and Local Elections sa Mayo.

“Dapat nating tingnan ano nga ba ang katotohanan tungkol sa ating mga pinapipilian, look at the facts, search for the truth,” ani Bishop Bacani.

Ang Pulitika at Pananampalataya ni Bishop Bacani ay bahagi ng One Godly Vote campaign ng Radio Veritas 846 – media arm ng Archdiocese of Manila na layong matulungan ang mga botante na kilalanin ang mga personalidad na kumandidato sa nalalapit na halalan.

Sa gitna ng laganap na fake news sa lipunan tiniyak ng simbahan ang pagpapaigting sa voter’s education campaign upang mabigyang kamalayan ang mga botante sa pagpili ng mga lider para sa kapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 66,408 total views

 66,407 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 141,021 total views

 141,021 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 221,100 total views

 221,100 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 264,239 total views

 264,239 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 261,332 total views

 261,332 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top