Mga bilyonaryo sa kabila ng pandemya

SHARE THE TRUTH

 172 total views

Mga Kapanalig, hindi maitatangging ang buong mundo at ang ekonomiya ng mga bansa ay pinadapa ng pandemyang magdadalawang taon nang pumipinsala sa ating buhay. Ngunit alam ba ninyong sa kabila ng pagdurusa ng sangkatauhan dahil sa pagkakasakit at pagkawala ng hanapbuhay ng marami, may iilang taong lalo pang yumaman at lumaki ang kita ng kanilang mga negosyo?

Ayon sa international NGO na Oxfam, ang kayamanan ng sampung pinakamayayamang tao sa mundo ay nadagdagan ng higit sa isang bilyong dolyar bawat araw nitong nagdaang dalawang taon ng pandemya. Ang kabuuang yaman ng sampung taong ito ay higit pa sa yaman ng tatlong bilyong pinakamahihirap na tao sa mundo. Habang may isang naging bilyonaryo sa bawat araw ng panahon ng pandemya, 160 milyong mga tao namang dati ay hindi mahirap ang naging mahirap sa panahon ng krisis na ito. Dito naman sa ating bansa, ang limampung pinakamayayamang Pilipino ay lumaki ang kabuuang kayamanan nang 30 porsyento sa kabila ng pandemya.

Paano kaya ito nangyari? Batid nating may mga negosyong lalong umunlad sa kabila ng  pandemya. Ngunit anupaman ang mga ito, ang mas mahalagang itanong ay kung tama ba ang nangyayaring ito at kung dapat at maaari pa bang iwasto ang sitwasyong ito.

Mismong ang mga bilyonaryong nagsipagyaman ay nagsabing hindi raw sila pinagbabayad ng makatarungang halaga ng buwis, at dahil dito nagsipagprisinta silang magbayad ng karagdagang buwis. Habang mabuting alok ito, hindi pa rin dapat hayaan lamang na magpatuloy ang isang sitwasyong ang mga pinakamayayaman ay lalo pang nagkakamal ng malaking pera habang ang mga mahihirap ay lalo pang nababaon sa kahirapan.

Hindi ang pagbubuwis lamang ang maaaring solusyon. Alam nating sa maraming bansa, pati rito sa Pilipinas, ang mga mayayaman ay napakadaling makahanap ng paraang umiwas sa buwis. At kahit pa nagbabayad sila ng mas malaking buwis, mayroon pa ring problema kung ang higit na marami sa mundo ay lalong humihirap. Sila naman ay nagtatrabaho at ang mga walang mahanap na trabaho ay handa namang magtrabaho ngunit ang kinikita nila ay hindi sumasapat.  Ano ang sinasabi sa atin ng ganitong sitwasyon?

Malinaw ang turo ng ating Simbahan tungkol dito. Ang mundong nilikha ng Diyos ay para sa kapakinabangan ng lahat. Bagamat ang mundong likha ng Diyos ay pinagyayaman ng paggawa ng tao, hindi pa rin makatarungan kung ang kalakaran ng merkado ay may isinasantabing mga taong hindi natutugunan ang mga pangunahing pangangailangan.  Itinuturo din sa ating kapag may sitwasyong katulad ng mayroon tayo ngayong lubhang napakarami ang hindi nakakamtan ang kanilang pangunahing pangangailangan para mabuhay nang may dignidad, mali ang sistema ng ekonomiya at dapat itong iwasto. Ang sistemang naaayon sa nilalayon ng Diyos ay lumilikha ng lipunan kung saan lahat ay nakakapagtrabaho nang malaya, nakikilahok at nag-aambag, at nakikinabang nang wasto sa kanilang pinagpaguran.

Tila napakalayo ng kasalukuyang sitwasyon ng mundo at ng sarili nating bayan sa ganitong kalakaran. Imbis na mag-alok ang mga bilyonaryong dagdagan ang binabayaran nilang buwis, hindi kaya mas dapat kanilang dagdagan ang sahod ng kanilang mga manggagawa at lumikha pa sila ng maraming trabaho? Nalalapastangan ang dignidad ng tao kapag hindi pinapahalagahan ang kanyang paggawa dahil mababa ang pasahod at hindi binibigyan ng kasiguruhan ang kanyang trabaho. Hindi nga kaya ito ang ugat kung bakit lalong yumayaman ang mga may-ari ng malalaking negosyo—dahil ang mga manggagawa nila ay hindi nakakatamasa ng siguridad at sapat na sahod?

Mga Kapanalig, sabi sa Genesis 2;15, inilagay ng Diyos ang tao sa halamanan ng Eden upang ito ay pagyamanin at pangalagaan. Ang pangangalagang ito ay tumutukoy din sa pagtitiyak na ang bawat tao ay tunay na naaalagaan sa kanyang mga pangangailangan bilang taong may dignidad—may maayos na tirahan, nakapag-aaral, nagagamot kapag may sakit, nakakapagtrabaho, at sumusweldo nang tama.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 51,674 total views

 51,674 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 57,092 total views

 57,092 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 63,799 total views

 63,799 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 78,592 total views

 78,592 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 84,748 total views

 84,748 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 51,675 total views

 51,675 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 57,093 total views

 57,093 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 63,800 total views

 63,800 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 78,593 total views

 78,593 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 84,749 total views

 84,749 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 41,937 total views

 41,937 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 52,521 total views

 52,521 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 60,738 total views

 60,738 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 44,971 total views

 44,971 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 50,947 total views

 50,947 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 54,040 total views

 54,040 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 43,745 total views

 43,745 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 44,633 total views

 44,633 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 59,936 total views

 59,936 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 72,345 total views

 72,345 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top