Kalikasan at halalan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,177 total reads

Ito ang pangunahing paksa na tinalakay sa dalawang araw na pagpupulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David napagkasunduan ng mga obispo sa bansa ang maigting na pagpapatupad sa ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si upang matugunan ang lumalalang suliranin sa kalikasan.

Binigyang-diin ng Obispo na hindi lamang usapin ng climate change ang umiiral sa kasalukuyan kundi climate crisis na labis nakababahala ang magiging epekto.

Inihalimbawa ni Bishop David ang coastal cities ng Malabon at Navotas na lantad sa panganib na epekto ng pagkasira ng kalikasan.

“Nababahala ako bilang obispo na sa loob ng ilang dekada maaaring lumubog ang mga coastal cities and that includes all other coastal town and cities sa paligid ng Manila Bay,” bahagi ng pahayag ni Bishop David.

Dahil dito naglabas ng pastoral statement ang CBCP na pinamagatang ‘A call of unity and action amid a climate emergency and planetary crisis’ upang bigyang kamalayan ang mamamayan sa labis na epekto ng pagkasira ng kapaligiran at mga hakbang na nararapat gawin upang mapanatiling maayos ang kaloob ng Panginoon na magandang kalikasan.

Napagkasunduan din ng CBCP ang pag-divest at hindi pagtanggap ng mga donasyon mula sa mga institusyong namumuhunan sa mga paraang makasisira sa kalikasan tulad ng coal, pagmimina, quarry at iba pa.

“Suriing mabuti at maging critical sa pagtanggap ng mga donasyon,” ani Bishop David.

Ibinahagi ng CBCP na maging pamantayan din sa pagbalangkas ng pastoral statement sa nalalapit na 2022 National and Local Elections ang paninindigan ng mga kandidato sa usapin ng kalikasan lalo’t isa ang Pilipinas sa may pinakamagandang mga batas patungkol sa pangangalaga ng kapaligiran subalit hindi maayos na naipatutupad.

Ayon kay Bishop David, ilalabas ng CBCP ang pastoral statement sa halalan bago matapos ang Pebrero kasabay ng pagsisimula ng pangangampanya ng mga kandidato sa national levels.

Pangungunahan naman ng CBCP Commission on Social Action Justice and Peace sa pamamagitan ng implementing body na NASSA/Caritas Philippines sa pamumuno ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagpapatupad ng mga programa tungkol sa kalikasan katuwang ang iba’t ibang environmental groups tulad ng Laudato Si Philippines movement.

Ang ika-123 CBCP Plenary Assembly na ginanap nitong January 28 at 29 ay isinagawa online dahil sa patuloy na banta ng pandemya dulot ng coronavirus disease.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 7,547 total reads

 7,547 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 38,820 total reads

 38,820 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 118,398 total reads

 118,398 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 212,624 total reads

 212,624 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 272,875 total reads

 272,875 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 38,160 total reads

 38,160 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top