Pagluwag ng restrictions sa OFWs, pinuri ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 753 total reads

Sinuportahan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpapatupad ng bagong panuntunang matutulungan ang mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFW) sa bansa.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerants People Vice Chairman Balanga Bishop Ruperto Santos, kaginhawaan ang idudulot ng panuntunan na magbibigay ng mas mahabang panahon sa mga OFW na makapiling ang kanilang mga pamilya.

Ito ay dahil nakasaad sa bagong polisiya ang pagsuspinde sa ‘COVID-19 risk classifications’ para sa mga bansang pinanggagalingan ng mga travelers na papasok sa Pilipinas.

Sa pag-iral nito sa February 01, ang mga fully vaccinated travelers kabilang ang mga umuuwing OFW ay kinakailangan na lamang ng negatibong swab test results na kinuha sa loob ng 48-oras ng walang quarantine.

“Ito ay isang malaking tulong at kaginhawaan sa mga bakunadong OFWs. Maigsi lamang ang kanilang bakasyon at dahil wala ng quarantine o sa bahay na lang ay higit nilang makakasama ang kanilang mga mahal sa buhay. At higit pa silang maalagaan,” ayon sa mensaheng Ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Itinuring din ng Obispo na isang mabuting inisyatibo ang hakbang upang mahikayat ang mas marami pang OFW na magpabakuna laban sa COVID-19.

“Ito rin ay isang magandang incentive na ang iba pang OFWs ay magpabakuna na upang makaiwas sa mahabang quarantine at hindi kulangin sa kanilang bakasyon,” ayon pa sa Obispo.

Nakasaad din sa bagong panuntunan, para sa mga unvaccinated at partially vaccinated travelers ay kinakailangan parin nilang manatili sa mga quarantine facility sa loob ng limang araw habang hinihintay ang kanilang negative swab test results.

Kinakailangan din nilang sundin ang 14-days mandatory self o home quarantine sa kanilang pag-uwi sa kanilang mga tutuluyan.

Muli ring ipinabatid ni Bishop Santos ang kahalagahan ng pagpapababakuna laban sa COVID-19.

“Sa bakuna tayo ay ligtas at nakapagligtas pa. Sa bakuna tayo ay natulungan at nakatulong upang hindi nahawahan o hindi makapanghawa. Thanks, be safe,” ani Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 6,150 total reads

 6,150 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 37,424 total reads

 37,424 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 117,066 total reads

 117,066 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 211,292 total reads

 211,292 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 271,602 total reads

 271,602 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top