Ang Kaunlaran ng Agrikultura ay Kaunlaran ng Bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,274 total views

Dati-rati, kapanalig, ang agrikultura ang ating pangunahing bread and butter. Ito noon ang driver ng ekonomiya ng ating bayan. Malaking porsyento ng ating gross domestic product noon ay mula sa bunga ng agrikultura.

Noong 1970s, halos one-third ng ating ekonomiya ay mula sa agrikultura, at naging one-fourth na lamang ito noong 1980s. Paliit ng paliit ang ambag ng sektor sa ekonomiya hanggang nitong 2021, base sa opisyal na datos,  ang agriculture forestry, at fishing ay 9.6% na lamang ang ambag sa GDP ng bansa. Ang services sector ang may pinaka-malaking share o bahagi sa ating GDP noong 2021. Umabot ito ng 58.7%.

Maganda sana kapanalig, na atin ding mabigyan ng tutok ang growth and modernization ng agriculture sector. Ang tagal na panahon din namang ating nakaligtaan ang kapakanan ng mga napapaloob sa sektor na ito. Mas madalas pa nga, sila ang nadedehado dahil maraming mga sakahan ang nasasalin o narere-classify bilang commercial or residential use. Gumagapang ng gumagapang ang urbanisasyon, at ang epekto, ang mga magsasaka at kanilang sakahan ang nadi-displace.

Apektado nga rin ang mga magsasaka natin ng mas malawak na importasyon ngayon ng agricultural products. Isang ehemplo nga dito ay ang importasyon ng bigas, na kinokompetensya ang ating mga rice farmers.  Maraming mga rice farmers ang nagsasabi na dahil sa pagdami ng imported na bigas, bumababa ang kita ng mga sakahan sa ating bayan.

Kapanalig, sa sitwasyon ng ating mga magsasaka, hindi na sasapat ang cash assistance at puro salita. Pati nga imprastraktura, kulang na rin. Sa sektor ng agrikultura, napakahalaga ng pro-poor at pro-farmer policies. Kailangan mairepaso ang policy framework na  nakapalibot sa sektor at siguruhing naka-ayon ito sa kabutihan ng ating mga lokal na magsasaka.

Tinatayang nasa 9.7 million katao ang employed sa agricultural sector. At ayon nga sa National Anti-poverty Commission, nanatiling isa sa mga pinakamahirap na sektor ang agrikultura.  Base sa opisyal na datos, nasa 31.6% ang poverty incidence sa  hanay ng mga magsasaka. Ang poorest of the poor ng ating bayan, kapanalig, ay nasa mga sakahan ng ating bayan. Kaya’t panahon na upang ang ang kanayunan naman ang ating gawing sentro ng kaunlaran.

Kubang-kuba na ang ating mga magsasaka, kapanalig, sa kakayod, at habang dumadaan ang panahon, tila ating minamaliit pa ang kanilang karangalan bilang source ng ating katiyakan sa pagkain.

Kailangan nating magkaroon ng paradigm shift, kapanalig. Unahin naman natin ang magsasaka. Ang kanilang pagbangon hindi lamang sa COVID-19, o sa mga bagyo at tagtuyot na dumaan, at sa mga di-patas na polisiya na lalong nagpapahirap sa kanila, ay pagbangon din ng buong bansa. Mahalagang magawa natin ito, dahil ayon nga sa Populorum Progressio: The advancement of the poor constitutes a great opportunity for the moral, cultural and even economic growth of all humanity.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 18,012 total views

 18,012 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 191,946 total views

 191,946 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 169,579 total views

 169,579 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 233,068 total views

 233,068 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 251,569 total views

 251,569 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi lang ‘for the content’

 18,013 total views

 18,013 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 191,947 total views

 191,947 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 169,580 total views

 169,580 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 233,069 total views

 233,069 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »
Scroll to Top