Simbahan, kailangang pag-isahin ang pagkilos kontra kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 377 total views

Naniniwala si Borongan Bishop Crispin Varquez na napapanahon na pagtibayin ng Simbahang Katolika ang pagkilos nito para sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Ayon kay Bishop Varquez, mahalaga ang koordinasyon sa iba’t-ibang sangay ng Simbahan katuwang ang iba pang mga sektor ng lipunan upang maging maagap sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan mula sa epekto ng kalamidad.

Aminado si Bishop Varquez na dahil sa kanilang naging karanasan sa bagyong Yolanda noong taong 2013 ay mas napatunayan ang kalahagahan ng ugnayan mula sa iba’t-ibang diyosesis at pagkakaroon ng mas maagap na pagkilos.

“Nakita ko po ang kahalagahan ng coordination sa lahat ng Dioceses, sa lahat ng Local Churches sa Pilipinas dahil sa aming experience sa super typhoon Yolanda, nagising kami sa katotohanan na dapat ma-coordinate ang lahat para madali ang coordination in case something will happen, in any places in the Philippines or outside the country we can make proper action on how we can mobilize our assistance to those people who will be possible victims of calamities,” pahayag ni Bishop Varquez sa panayam ng Radio Veritas.

Magugunitang kamakailan lamang ay isinagawa ang ika-38 National Social Action General Assembly o NASAGA sa Palo, Leyte kung saan isa sa naging paksa ay ang pagbuo ng Simbahang Katolika ng kaukulang pagpaplano para makatugon sa epekto ng kalamidad sa bawat Diyosesis.

Sa pangunguna ng National Secretariat for Social Action o NASSA/Caritas Philippines katuwang ang Caritas Manila, Radyo Veritas at iba pang mga diyosesis sa Pilipinas ay pinaplano ang pagkakaroon ng pinag-isang pagkilos at pagtugon ang mga Simbahan sa oras ng kalamidad.

Matatandaan na umabot sa 16 na milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Yolanda nang manalasa ito Nobyembre ng taong 2013.

Siyam na diyosesis sa Pilipinas ang labis na naapektuhan ng nasabing kalamidad kung saan magpahanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang programang pang-rehabilitasyon ng Simbahang katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 63,989 total views

 63,989 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 87,141 total views

 87,141 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 157,255 total views

 157,255 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 231,869 total views

 231,869 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 307,362 total views

 307,362 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 91,811 total views

 91,811 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top