Diocese of Talibon at Tagbilaran, umaapela ng tulong sa pagpapatayo ng mga nasirang simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,625 total views

Umaapela ng tulong ang ilang mga lider ng Simbahan sa lalawigan ng Bohol matapos masira ng bagyong Odette ang ilan sa kanilang mga simbahan o parokya.

Ayon kay Talibon Bishop Daniel Patrick Parcon, labis silang nagpapasalamat sa mga tulong na kanilang natatanggap sa relief and rehabilitation efforts ng Diyosesis para sa mga mamamayan na naapektuhan ng bagyo mahigit dalawang buwan na ang nakakalipas.

Gayunpaman aminado si Bishop Parcon na suliranin din para sa kanila ngayon ang pagpapagawa ng mga nasirang simbahan.

Umaasa ang Obispo na sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagmamalasakit ng maraming mananampalataya ay muling maitatayo ang mga nasirang simbahan na nagsisilbing simbolo ng pag-asa para sa patuloy na pagbangon ng mga naapektuhang residente.

“Badly damaged talaga ang Diocese of Talibon, we have more or less 15 parishes that were damaged by the typhoon. Overwhelming damages, we have so many damaged churches at present…We don’t know were to start but your generosity and support keep us growing and we are so grateful and thankful to you,” pahayag ni Bishop Parcon sa panayam ng Radyo Veritas.

Ganito rin ang damdamin ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy matapos na masira ng bagyo ang ilang mga Simbahan sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Bishop Uy, ang ilan sa mga nasirang simbahan ay kakagawa pa lamang matapos na masira rin noong taong 2013 dahil naman sa naganap na magnitude 7.2 na lindol.

“We have serious damaged in Tubigon which was also damaged by the earthquake, then also in Cortes also damaged bago lang sila na-restore.. actually we are celebrating the final restoration project in Maribojoc [Bohol] but here again, the typhoon Odette cost a lot of damaged in Tubigon and Cortes.”

Nanawagan naman ng pagdarasal si Bishop Uy mula sa mga mananampalataya para sa patuloy na pagbangon ng mga naapektuhan ng bagyo.

“We simply appeal for your prayers that we can stand by this calamity…We appeal for financial assistance, if you want to share your blessings, we are here and happy to welcome any help you can extend to us,” pahayag pa ng Obispo ng Tagbilaran Bohol.

Layon naman ng Caritas Manila na tulungan ang mga diyosesis na naapektuhan ng bagyong Odette na muling maipatayo ang kanilang mga simbahan.

Sa ika-25 ng Marso taong kasalukuyan ay magsasagawa ng online concert ang Caritas Manila kung saan ang malilikom na pondo ay ilalaan para sa pagpapagawa ng mga nasabing parokya.

Nasa 10 diyosesis sa Pilipinas ang labis na napinsala ng bagyong Odette noong Disyembre ng taong 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 72,520 total views

 72,520 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 147,134 total views

 147,134 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 227,213 total views

 227,213 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 270,352 total views

 270,352 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 266,995 total views

 266,995 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 91,079 total views

 91,079 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top