Clergy Penitential Walk, isasagawa ng Archdiocese of Manila clergy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 900 total views

Isasagawa ng mga pari ng Archdiocese of Manila ang “Clergy Penitential Walk” bilang paggunita sa ika-150 anibersaryo ng tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora o mas kilala bilang GOMBURZA.

Tema ng penitential walk ang ‘Maka-Diyos kaya Makabayan’ na gaganapin bukas, February 17 mula alas-nuebe ng umaga sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion o Manila Cathedral, GOMBURZA Monument sa Luneta, at Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de Guia sa Ermita.

Ayon kay Manila Archdiocesan Spokesperson Father Reginald Malicdem, pinag-aralang mabuti ang tema para sa penitential walk upang ipabatid sa mga mananampalataya na ang pagiging makabayan ay may kaugnayan at nagmumula sa pagiging maka-Diyos na siyang inihalimbawa ng GOMBURZA noong panahon ng Kastila.

Taong 1872 nang paratangan ng kasinungalingan ng gobyerno-kolonyal ng Espanya ang tatlong paring martir na humantong sa pagbitay sa pamamagitan ng ‘garrote’.

“Sila’y mga martir. Karaniwan sa atin sa Simbahan ‘pag sinabi nating martir, sila’y namatay para sa pagtatanggol sa pananampalataya. Pero ‘yung GOMBURZA, namatay sila para sa bayan. Syempre, kasama dun ‘yung kanilang pagiging maka-Diyos kaya nga sila’y nakapag-alay ng kanilang buhay para sa bayan,” paliwanag ni Fr. Malicdem sa panayam sa Veritas Pilipinas.

Magsisimula ang programa sa Manila Cathedral sa pamamagitan ng pagpapatunog ng mga kampana at susundan ng Banal na Misa na pangungunahan ng Kanyang Kabunyian, Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Pagkatapos ng banal na pagdiriwang ay sisimulan na ang penitential walk mula Manila Cathedral patungo sa GOMBURZA Monument sa Luneta na lugar kung saan isinagawa ang paggarote sa tatlong paring martir at doo’y isasagawa ang pag-aalay ng panalangin.

Mula naman sa GOMBURZA Monument ay magtutungo sa Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de Guia sa Ermita at sa pamamagitan din ng panalangin ay wawakasan ang penitential walk.

Nilinaw ni Fr. Malicdem na bagamat ang titulo ay ‘Clergy Penitential Walk”, bukas din ang programa para sa mga mananampalatayang nais na makibahagi.

Matutunghayan naman ang Banal na Misa at Penitential Walk sa Facebook page ng The Manila Cathedral, Archdiocese of Manila – Office of Communications, at DZRV 846.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 100,161 total views

 100,161 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 123,320 total views

 123,320 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 144,594 total views

 144,594 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 306,749 total views

 306,749 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 3,433 total views

 3,433 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top