Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Patas na lipunan, polisiya ni Abella

SHARE THE TRUTH

 831 total views

Pagpapairal ng ‘patas na lipunan’ sa pamamagitan ng pakikibahagi ng mamamayan ang isa sa pangunahing isusulong ni Presidential aspirant Ernesto Corpuz Abella.

Si Abella ay dating nagsilbi bilang tagapagsalita ng administrasyong Duterte noong 2016-2017 at Undersecretary for Strategic Communications and Research of the Department of Foreign Affairs na tumatakbo sa pagkapangulo.

Sa ginanap na Catholic E-Forum ng Radio Veritas ‘One Godly Vote’ voter’s education, sinabi ni Abella na kinakailangan ang pamamahala ng gobyerno ay pagbibigay ng puwang sa tinig ng mamamayan.

Kabilang na ang civil society, NGO’s, maliliit na negosyante, magsasaka, at simbahan. Paliwanag ni Abella sa kasakuyan ang pamamahala ng pamahalaan ay nakabatay sa kapangyarihan ng mga taong gobyerno at nang malalaking negosyante o mayayaman ng walang pakikibahagi ng mamamayan.

‘‘So, what we need is to rebalance the whole thing para may boses ang mamamayan and this is what we call the ‘voice of civil society’. We need civil society to balance to join. We need the voice of civil society, we need the NGO’s, concern farmers, fishermen, bible study leaders, kailangan natin ang mga servant leaders ang mga parokya. We need these people to be able to voice,’’ ayon kay Abella.

Church vs Duterte

Sa panahon ni Abella bilang tagapagsalita ng administrasyong Duterte ay makailang ulit ding nagkaroon ng iringan sa pagitan ng mga pinuno ng simbahan at ng Pangulo dahil sa pagpuna sa ilang polisiya ng pamahalaan.

‘‘The Church is a power institution but if you try to face government as a power institution also, then you lose your moral ascendancy. We should be more inspirational, yun ang puntos ko. We should be a light… para sa akin kasi we can speak prophetically without being antagonistic,’’ ayon pa kay Abella.

Pakikipagkaibigan ng administrasyon sa China

Ipinaliwanag naman ni Abella ang naging posisyon ng Pangulong Duterte sa usapin ng West Philippines Sea at ang tila pagpabor sa China.

Ayon sa dating kalihim, nais lamang ng pangulo na buksan ang kalakalan sa pagitan ng China at Pilipinas.

‘‘So, he (D30) wanted to open the right doors. His style might be a little bit dramatic but his intensions were right. Kumbaga, his economic heart was in the right place. So, in that situation, I support what he did na to regard China as possible and potential trade partner, which is what I think we should view China not so much as political opponent and dangerous hegemon,’’ paliwanag ni Abella.

Ayon pa kay Abella, nakuha ng Pilipinas ay economic sovereign rights sa West Philippine Sea at hindi ang pag-aari ng teritoryo.

‘‘Hindi po atin ang lugar, we share it with other nations and observe other fishing rights there. So nasa atin na to be able to maximize sovereign economic rights at this stage wala tayong sufficient capacity to be able to exercise that kaya kailangan nating mag-engage sa partnership,’’ pahayag ni Abella.

Ilan pa sa mga nais na isulong ni Abella sa ilalim ng kanyang pamumuno na gawing mega industry ang agricultural sector, pagpapabuti sa pangongolekta ng buwis, suporta sa mga maliliit na negosyante, at pagsusulong ng renewable energy.

Giit ni Abella, kinakailangan ng mamamayan ng pagkakaroon ng gobyernong nararamdaman upang masolusyunan ang nararanasang kahirapan ng higit sa 23 milyong mahihirap na Filipino.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 9,771 total views

 9,771 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 25,860 total views

 25,860 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 63,623 total views

 63,623 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 74,574 total views

 74,574 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 19,311 total views

 19,311 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 3,154 total views

 3,154 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 23,114 total views

 23,114 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top