IATF-EID, bubuwagin ni Montemayor

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 960 total reads

Inihayag ni Presidential aspirant Dr. Jose Montemayor, Jr na bubuwagin nito ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kapag nanalo bilang pangulo ng bansa.

Ayon kay Montemayor, hindi ginagampanan nang maayos ng mga kasalukuyang opisyal ng I-A-T-F ang kinakailangang pagtugon sa suliraning kinakaharap ng lipunan bunsod ng COVID-19 pandemic.

Sinabi nitong hindi mga militar ang naaangkop na ilagay sa posisyon ng paglutas sa pandemya, kundi mga ‘medical practitioners’ na mayroong higit na kaalaman hinggil sa usaping pangkalusugan.

“Tatanggalin ko ang IATF kasi ang mga namumuno dito hindi naman mga doktor… Tapos ang nag-iimplement mga militar. Mali po ‘yan. This is a medical emergency. Dapat mga doktor at nurses, dapat sila ang mag-guide sa approach natin dito,” pahayag ni Montemayor sa Catholic E-Forum ng Radio Veritas.

Magugunitang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kinakailangang maging isang medical professional tulad ng mga ‘public health experts’ at ‘epidemiologist’ upang pamunuan ang IATF.

Kasalukuyang mga opisyal ng IATF ang mga dating opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sina National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez; NTF Chairperson Defense Secretary Delfin Lorenzana; NTF Vice chairperson Interior Secretary Eduardo Año; at Cebu City Covid-19 Response Overseer Environment Secretary Roy Cimatu.

Samantala, patuloy namang inaanyayahan ng Radio Veritas ang publiko lalo na ang mga botante na makibahagi sa Catholic E-Forum ng himpilan na bahagi ng voters education campaign na One Godly Vote bilang paghahanda sa 2022 National at Local Elections.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 47,845 total reads

 47,845 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 152,367 total reads

 152,367 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 238,478 total reads

 238,478 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 308,611 total reads

 308,611 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 340,302 total reads

 340,302 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 162,857 total reads

 162,857 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top