Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Digitalization ng government transactions at online banking, isusulong ni Montemayor

SHARE THE TRUTH

 634 total views

Digitalization ng mga government transactions at online bankings ang isa sa mga pangunahing adhikain ni Presindetial Aspital Doctor Jose Montemayor Jr.

Ayon kay Montemayor, ang Digitalization ng mga isinasagawang transactions katulad ng pagbabayad bilang miyembro ng Philippines Health Insurance Corporation (PhilHealth) at iba pang pampublikong sangay ng pamahalaan ay makakatulong sa transparency o pagbibigay alam sa mamamayan kung saan at papaano ginagastos ng pamahalaan ang pero ng taumbayan.

“we have to go on digitalization para yung mga government transactions, magkaroon tayo ng transparency talaga atsaka walang leakages kaya ayaw kaya i-digitalize ang philhealth kasi nga yung mga pagnanakaw diyan para kasi magpapatuloy, so all the government transactions course of BIR, LRA yung mga lahat, we have to digitalized everything na madali naman yan if we have the will,” ayon sa panayam ni Montemayor sa Catholic E-Forum ng Radio Veritas.

Kasama din sa Adhikain ni Montemayor ang pagpapatigil sa BUILD BUILD BUILD Project ng Kasalukuyang Administrasyong Duterte.

Ito ay dahil ginagamit ng mga pulitiko ang pagpapatayo ng mga imprastraktura bilang paraan ng korapsyon kung saan ang mga kalsadang nasa maayos na kondisyon ay sisirain.

“ipapatigil natin yung mga infrastructure project puro kalokohan lang yung BUILD BUILD BUILD, tignan niyo po itong mga roads natin, maghuhukay bagong-bago yung daan huhukayin nanaman wawasakin after 6months, after 1 year ginagawang gatasan ng mga pulitiko, ang mga local officials itong mga infrastracture projects,” ani montemayor.

Sinabi ni Montemayor na dapat ayusin ang nabanggit na suliranin.

“ipapatigil natin yan we have to give priority sa social welfares na issue ng ating bansa, sa mga mahihirap we have to address their real need, yung social welfare natin pagdating palang sa mga ayuda hati hati na so ano pang matitira sa ating mga kababayan wala talaga,” ayon pa kay Montemayor.

Patuloy naman ang Paanyaya ng Radio Veritas sa bawat mamamayan na subaybayan ang Catholic E-Forum na matutunghayan tuwing Lunes Hanggang Biyernes simula ika-8 hanggang ika-10 ng umaga.

Ang CAtholic E-forum ay bahagi ng voters education campaign na One Godly Vote bilang paghahanda sa nalalapit na halalan Tampok ang mga kandidato sa pinakamataas na posisyon ng pamahalaan- o ang mga tumatakbo sa pagkapangulo, ikalawang pangulo at mga senador.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,977 total views

 72,977 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,752 total views

 80,752 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,932 total views

 88,932 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,527 total views

 104,527 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,470 total views

 108,470 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Jerry Maya Figarola

MUPH at Caritas Manila, lumagda sa kasunduan

 2,771 total views

 2,771 total views Isinulong ng Caritas Manila ‘Kagandahan sa kabila ng Kadiliman’ na adbokasiyang higit na pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap sa pakikipagtulungan sa Miss

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

CBCP-ECMI, nanawagan ng kahinahunan sa mga OFW

 10,898 total views

 10,898 total views Nanawagan ng kahinahunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Overseas Filipino Workers

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Naranasang harassment, kinundena ng EILER

 12,388 total views

 12,388 total views Kinundena ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research ang “red tagging” sa kanilang grupo. Ikinatwiran ng EILER na ang kanilang organisasyon ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top