DILG, pinuri ng Oceana Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,030 total reads

Pinuri ng Oceana Philippines ang hakbang ng Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa pagpapatupad ng mga panuntunan at batas hinggil sa wastong pangangalaga sa kalikasan.

Sa inilabas na DILG Memorandum Circular No. 2022-018, nakasaad dito ang muling pagpapaalala sa mga lokal na pamahalaan na ipatupad sa mga kinasasakupan ang mga batas at alituntuning sakop ng Philippine Environmental Impact Statement System (PEISS) Act.

Kabilang na rito ang mga proyektong mapanganib sa kapaligiran tulad ng mga pagtatambak sa mga karagatan at iba pang bahagi ng katubigan, tulad ng bakawan, bahura at pangisdaan.

Ayon kay Oceana Philippines Vice President Atty. Gloria Estenzo Ramos, maituturing na tagumpay ang pagpapatupad ng nasabing kautusan dahil mapapangalagaan nito ang kapakanan at karapatan ng mga mangingisdang naninirahan sa mga baybaying komunidad, gayundin ang kaligtasan ng mga karagatan laban sa mga mapaminsalang proyekto.

“Tinugunan din nito ang pananagutan ng mga pambansang ahensya at lokal na pamahalaan na tiyaking buo at masinsin ang pagpaplano at isinangguni sa mga mamamayan bago pahintulutan ang mga nasabing proyekto,” pahayag ni Estenzo Ramos.

Iginigiit din sa memorandum ng DILG na ang anumang paglabag ng lokal na pamahalaan ay papatawan ng kaukulang parusa tulad ng administratibo, sibil at kriminal sa ilalim ng mga umiiral na batas.

Inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang Laudato Si’ na mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng komunidad upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas hinggil sa pangangalaga sa kalikasan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 5,895 total reads

 5,895 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 30,719 total reads

 30,719 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 71,278 total reads

 71,278 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 97,735 total reads

 97,735 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 146,001 total reads

 146,001 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 166,694 total reads

 166,694 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,209 total reads

 129,209 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top