Itigil na ang contractualization, panawagan ng Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 944 total reads

Regularization at pagwawaksi sa contractualization upang makatanggap ng pantay na benepisyo at kita ang bawat manggagawa.

Ito ang patuloy na pananalangin at apela ni Father Eric Adoviso – Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern (AMLC) Minister sa Pamahalaan at bawat employers sa Pilipinas.

Ayon sa Pari, patuloy din ang kaniyang pananalangin na makabalik na sa trabaho ang mga manggagawang naapektuhan ang kabuhayan ng kasalukuyang krisis ng pandemya.

Ito ay kasabay nang pagkilala sa pagkaluging nararanasin din ng mga namumuhunan.

“Unang-una ang aking panalangin ay sana yung mga manggagawa ay magkaroon ng trabaho na ulit makabalik na sila, oo kinikilala natin na lugi ang mga namumuhunan kinikilala natin lahat yan at ating tinatanggap yan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Pari.

Umaasa si Father Adoviso na hindi lamang ang pamamahagi ng financial assistance ang makitang tugon ng pamahalaan tuwing makakaranas ng lockdowns at krisis ang bawat negosyo at establisyemento.

“Pinagdadasal ko na sana magkaroon ng win-win solution sa pagitan ng manggagawa at ng namumuhunan ganun din bigyan din ng gobyerno ng sapat na kapital yung maliliit nating negosyante at ganun yung manggagawa naman hindi naman yan puro ayuda lang,” ayon sa Pari.

Pagbabahagi ni Father Adoviso, bukod sa ayuda na panandaliang solusyon lamang ay maari ding ilunsad ng pamahalaan ang mga training programs at pamamahagi ng puhunan sa maliliit na negosyo na isang pang-matagalan na hakbang at tulong sa sektor.

“Hindi naman ang gawin lang ng gobyerno ay ayuda kung hindi gumawa ng paraan paano matutulungan yung ating mga manggagawa na makahanap ng trabaho, bigyan ng puhunan, magkaroon ng training kasi yung limang kilong bigas hindi naman sasapat yun, mauubos din yun kaya ang pinakamahalaga magkaroon ng training, puhunan kung kinakailangan alam ko marami ng utang ang ating pamahalaan pero mas maganda na tayo ay maging proactive,” ani Father Adoviso.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 5,917 total reads

 5,917 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 30,745 total reads

 30,745 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 71,304 total reads

 71,304 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 97,760 total reads

 97,760 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 146,026 total reads

 146,026 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 166,718 total reads

 166,718 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 24,149 total reads

 24,149 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top