Social Media at ang Iyong Kalusugan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,043 total reads

Ang social media na ngayon ang nagko-kontrol ng maraming aspeto ng ating buhay. Sa totoo lang kapanalig, aminin mo na, mas matagal ka pang gumamit ng social media no, kaysa magdasal o magsimba? Mas madalas mo pang makatabi ang smart phone mo, diba, kaysa ang bibliya?

Sa ating mga Filipino, ang social media na nga ang pangunahing hinahanap ng marami sa atin pag-gising pa lamang sa umaga. Ayon nga sa mga datos, umabot na ng 89 million ang social media users ng ating bansa as of January 2021. Nadagdagan pa ng 16 million ang bilang na ito noong 2020 and 2021. Tinatayang mahigit pa sa 80% ng ating populasyon ang nasa social media na. Ibig sabihin, pati bata, naka social media na sa atin.

Kapanalig naisip mo ba na malaki na ang epekto ng kakagamit mo ng social media sa iyong katawan? Na habang busy ka sa kaka doom-scroll sa facebook o instagram, nasisira na pala ang iyong physical health?

Ayon sa isang pag-aaral,  ang sobrang pag-gamit ng social media ay nagdudulot ng chronic inflammation sa ating katawan, na nagbabadya na mga seryosong sakit gaya ng diabetes, cancer, pati ng sakit sa puso. Maliban dito, nakita rin sa mga pag-aaral na sa kagagamit ng social media, maraming tao na ang nakakaranas ng pananakit ng ulo, dibdib, pati likod.

Kaya sana, kapanalig, tumayo-tayo naman muna tayo. Huwag nating hayaang mamamayani ang mga social media apps sa ating buhay. Tingnan natin ang ating paligid. Tingnan natin ang ating mga katabi. Ating namnamin ang ganda ng kalikasan na binigay ng Panginoon. Huwag nating ilimita ang ating perspektibo at pananaw, pati na ang ating buhay base sa isang napakaliit na gadget lamang at mga apps na sadyang dinisenyo para tayo ay laging nakatutok dito.

Sa totoo lamang, kapanalig, hindi lamang ang ating pangagatawan ang unti unting sinisira ng teknolohiya. Parang sinisipsip na rin nito pati ang ating kaluluwa. Ang zombie apocalypse na laging usapin ng mga urban legends, kung susuruin mo, ay tila andito na. Zombie na ang mga tao – bulag na at sunod-sunuran na lamang sa mga lumalabas na feeds sa kanilang mga social media apps.  Kapag sinabi halimbawa ng paborito nilang blogger na magalit sa isang personalidad, magagalit sila dito, kahit walang matinong dahilan.

Kapatid, ninanakaw na ng social  media ang ating kakayahang mag-isip pati na ang kalusugan ng ating nag-iisang katawan. Aminin man natin o hindi, ang sobrang pag-gamit nito ay nagnanakaw na rin ng dignidad ng tao. Gising kapanalig, at suriin na ang ating mga social media habits. Ayon nga sa Mater et Magistra: whatever the progress in technology and economic life, there can be neither justice nor peace in the world, so long as men fail to realize how great is their dignity.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 59,089 total reads

 59,089 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,193 total reads

 138,193 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,638 total reads

 171,638 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,936 total reads

 206,936 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,063 total reads

 431,063 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 59,090 total reads

 59,090 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,194 total reads

 138,194 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,639 total reads

 171,639 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,937 total reads

 206,937 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top