Hindi sagot sa mga hidwaan ang karahasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 773 total reads

Inihayag ni Infanta Bishop Bernardino Cortez na ang karahasan ay magbubunga lamang ng pagkalito at pagkakahati-hati ng mamamayan.

Ito ang naging pahayag ni Bishop Cortez kasunod ng pamamaril at tangkang pagpaslang kay Infanta Mayor Filipina Grace America kahapon ng umaga.

“Mariing kinokondena ng inyong abang lingkod, Obispo ng Prelatura ng Infanta ang tangkang pag-ambush at pamamaril sa butihing Punong Bayan ng Infanta, Kagalang-galang Filipina Grace R. America, umaga ng Linggo, ika-27 ng Pebrero, 2022 sa labas ng kanilang bahay dalanginan,” ayon sa Pahayag ng Obispo.

Mariing kinukundena ng Obispo ang insidente na nagsanhi ng pagiging sugatan ng alkalde kung kaya’t siya ay kinakailangan dalhin sa pagamutan sa maynila.

Paninidigan ni bishop cortez, ang simbahan ay magpapatuloy na maging propeta upang ihatid katapatan, katotohanan at katarungan sa lipunan.

“Kailanman ay hindi maaaring maging solusyon ang karahasan sa mga suliranin at usapin ng hindi pagkakaunanawaan bagkus magiging daan pa ito ng pagkakahati-hati ng mga tao. Ang Simbahan kahit kalian ay magiging isang propeta ng katarungan, katotohanan at katapatan,” ayon sa Obispo.

Panawagan din ng Obispo sa mamamayan ng infanta at bawat mananampalataya ang pananalangin tungo sa paggaling ng kanilang alkalde at pagkakamit ng katarungan upang mapanagot ang mastermind ng pamamaril.

“Bilang isang Sambayanan ng Diyos, sama-sama tayong manalangin para sa ating Punong Bayan Filipina Grace R. America, at ang ating mahal na bayan ng Infanta. Nawa ay magkaroon ng katarungan ang karumal-dumal na pangyayaring ito,” apela pa ng Obispo.

Panawagan naman ng Municipal Government of Infanta sa mga maaring nakasaksi ng pamamaril sa Alkalde ang pakikipag-ugnayan sa Municipal Police Station sa mga numerong 09985985754/ (042) 535-3642 o sa Office of the Infanta Mayor sa(042) 535-4248.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 250,848 total reads

 250,848 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 282,561 total reads

 282,561 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 384,387 total reads

 384,387 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 424,948 total reads

 424,948 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 434,879 total reads

 434,879 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 25,158 total reads

 25,158 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top