Plastic pollution,inaasahang matugunan sa UNEA 5.2

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 842 total reads

Magsisimula na ngayong araw, February 28 hanggang sa March 2 ang United Nations Environment Assembly o UNEA 5.2 sa Nairobi, Kenya.

Layunin ng pagtitipon na talakayin ang mga mahahalagang usaping pangkalikasan na kinakaharap sa buong mundo.

Kaugnay nito, nananawagan ang EcoWaste Coalition sa mga kinatawang dadalo sa UNEA 5.2 na sumang-ayon sa pagkakaroon ng maayos na negosasyon sa matibay na kasunduan upang mapigilan at matugunan ang lumalalang plastic pollution sa kapaligiran.

“Para sa EcoWaste Coalition, ang isang malakas na tratado (treaty) ang dapat itapat sa pangdaigdigang krisis sa polusyong plastik. Kung hindi komprehensibo at matibay ang mapagkakasunduan ay hindi mabibigyang lunas ang problemang plastik,” pahayag ng grupo.

Giit ng EcoWaste, hindi lamang nakatuon sa usapin ng basura ang plastik dahil nakaugnay din ito sa usapin ng nakalalasong polusyon, patuloy na pagbabago ng klima ng mundo, at ang kaligtasan at katarungan para sa mga apektadong komunidad.

Batay sa tala, taun-taon ay aabot sa 400-milyong tonelada ng plastik ang nalilikha, ngunit hindi pa umaabot sa 10-porsyento nito ang nare-recycle.

Ayon naman sa Science Advances journal, 466 na ilog sa Pilipinas lamang ang naglalabas ng halos 400-libong metriko tonelada ng basurang plastik kada taon.

Pito naman sa 10 ilog na malaki ang ambag sa plastic pollution sa mga karagatan sa buong mundo ay matatagpuan sa Pilipinas.

Ito ay ang mga ilog ng Pasig, Tullahan, Meycauayan, Pampanga, Libmanan, Rio Grande de Mindanao, at ang Agno.

Samantala, umaasa naman ang EcoWaste na magkakaisa ang mga bansa sa UNEA 5.2 sa pagbalangkas ng matibay na kasunduan para sa epektibong pagtugon sa plastic pollution na nagdudulot nang matinding banta sa kalusugan, kalikasan at kinabukasan ng mga tao at sangnilikha.

Sa Laudato Si ni Pope Francis, hinihimok nito ang bawat mananampalataya na maging mabuting katiwala ng kalikasan at pagyabungin ang likas na yamang makatutulong sa makatwirang pag-unlad ng pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 250,846 total reads

 250,846 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 282,559 total reads

 282,559 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 384,385 total reads

 384,385 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 424,946 total reads

 424,946 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 434,877 total reads

 434,877 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 144,371 total reads

 144,371 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top