Kahalagahan ng matalinong pagboto sa 2022 polls, binigyang-diin ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,270 total reads

Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga Filipino tungkol sa kahalagahan ng matalinong pagboto sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Sa ginanap na Catholic E – Forum ng Radio Veritas, binigyang-diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos ng CBCP – Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino na kinabukasan ng bayan ang katumbas ng pagboto sa halalan.

“We only have one vote, and we vote once at ito ay ating karapatan, ito ay ang ating kinabukasan; ang kinabukasan nasa ating palad kaya we have to vote right,” pahayag ni Bishop Santos.

Pinuri ng Opisyal ang mga plataporma na inilahad ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na naging panauhin sa E-Forum.

Tinukoy ng Obispo ang pagbibigay-pansin ni Domagoso sa pangunahing pangangailangan ng mamamayan tulad ng bahay at hanapbuhay gayundin ang pagpapahalaga sa buhay ng tao.

Batid ni Bishop Santos ang karanasan ng alkalde na humubog sa pagkatao nito subalit iginiit na mahalaga ang pakikipagtulungan sa lahat ng sektor kabilang na ang mga hindi kaalyado upang higit na maisulong ang kabutihang panlahat.

“Sa ating buhay it is always teamwork, it is always collaboration not competition, not contradiction but cooperation; sa teamwork nakagagawa ng marami mabilis at maganda para sa bayan,” ani Bishop Santos.

Umapela rin si Bishop Santos sa mga kumandidato na bigyang-pansin ang mga Overseas Filipino Workers at Seafarers na nagsusumikap sa ibayong dagat para sa pamilya.

Sinabi ng vice chairman ng CBCP migrants’ ministry na dapat pahalagahan ng pamahalaan ang mga OFW lalo’t malaki ang naitutulong nito sa paglago ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng remittances.

“Nais ko lang bigyang pansin ang ating mga migrants and seafarers kailangang kailangan natin sila lingapin, gusto lang naming [migrants’ ministry] iparating na let us do for things to them: to protect them; promote their rights and dignity; preserve their culture, custom, identity as Filipino; and prosecute those who made them suffer,” ayon pa kay Bishop Santos.

Si Bishop Santos ang kinatawan ng Simbahan sa ‘Feedback from the Shepherd’ segment ng forum na bahagi ng One Godly Vote campaign ng media arm ng Archdiocese of Manila.

Layunin nitong mas makilala ng mamamayan ang bawat kumandidato sa pinakamataas na posisyon ng bansa na mamumuno sa susunod na anim na taon.

Sa March 2 inaasahan ang paglalahad ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa kanyang mga plataporma at programa kung sakaling mailuklok sa posisyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 250,867 total reads

 250,867 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 282,580 total reads

 282,580 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 384,406 total reads

 384,406 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 424,967 total reads

 424,967 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 434,895 total reads

 434,895 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top