Corruption, tututukan ni Robredo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 675 total reads

Kinakailangang tutukan ng bagong administasyon ang paglaban sa korupsyon.

Ito ang inihayag ni Vice President Maria Leonor Robredo na tumatakbo sa pagkapangulo sa 2022 National and Local elections.

Iginiit ni Robredo na bilang unang executive order ay isusulong ang ‘full disclosure order’ sa lahat ng mga transaction sa pamahalaan.

INSUGENCY

Hindi mabibigyang tugon ang suliranin ng bansa laban sa mga naghihimagsik laban sa pamahalaan o insurgency sa pamamagitan ng militarisasyon.

Ayon kay presidentiable, Vice-president Maria Leonor Robredo, sa halip ay kinakailangan munang tukuyin ang dahilan ng pag-aaklas para sa karampatang tugon at tulong ng pamahalaan.

Ipinaliwanag pa ni Robredo na iba’t iba ang dahilan ng pag-aaklas sa mga lalawigan sa Pilipinas kaya’t hindi naayon na maging tugon ang armas o ang militar.

“Kailangan ang whole-of-nation approach at people-centered approach. Ano ang gusto nitong sabihin, sa pagsugpo ng insurgency, kapag alam na natin ang root cause dapat buhusan ng programa at tulong ng pamahalaan ang mga communities na may problema,” ayon kay Robredo.

Ganito rin ayon kay Robredo ang layunin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) bagama’t tutol siya sa ‘red tagging’ na naglalagay sa panganib sa ilang grupo at indibidwal na tumutulong sa mga komunidad.

Matatandaang kabilang din sa mga pinaratangan bilang mga kaanib ng makakaliwang grupo ay ilang mga pinuno ng simbahan na kilang kritiko ng kasalukuyang administrasyon.

DEATH BILLS
Naniniwala din si Robredo na kinakailangan ng sambayanan na mapakinggan at magsilbing Pangulo ng buong bayan at hindi lamang ng iilan.

Binigyan diin pa ni Robredo ang pagtutol sa aborsiyon, diborsyo at death penalty ay hindi maaring ipilit ang kaniyang paniniwala kundi kinakailangan pakinggan ang iba’t ibang ‘tinig’ ng sambayanan.

“Meaning to say, kahit kontra ako sa divorce, kahit kontra ako sa abortion, death penalty, obligasyon ko na siguruhin na ‘yung divergent voices ay mapapakinggan. That is not to say na magpapa-impluwensya ako. Pero kailangan na meron silang papel…ang gobyerno pinapakinggan yung iba’t ibang pinanggagalingan, whether katoliko sila o hindi,” ayon kay Robredo.

Si Robredo ang ika-pitong presidentiable na naging panauhin sa Catholic E-Forum na mapapakinggan at mapapanood Lunes hanggang Biyernes ganap na ika-walo ng umaga.

Layunin ng talakayan ang ipakilala sa mga botante ang mga kandidato at plataporma para sa matalinong pagpili ng mga pinuno na nais na maglingkod sa pinakamatataas na posisyon sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 9,788 total reads

 9,788 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 91,194 total reads

 91,194 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 185,419 total reads

 185,419 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 245,909 total reads

 245,909 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 259,337 total reads

 259,337 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top