238 total views

Homiliya para sa Huwebes Pagkatapos ng Miyerkules ng Abo, 03 Marso 2022, Lukas 9:22-25

Akmang-akma sa sitwasyon natin ngayon ang mga pagbasa dahil dalawang buwan na lang, eleksyon na.

Ang salitang “eleksyon” ay galing sa Latin na ELIGERE, ELECTIO, na ang ibig sabihin ay PUMILI, PAGPILI. Ito ang sinasabi ni Moises sa ating unang pagbasa sa paalala niya sa bayang Israel bago sila pumasok sa Lupang Pangako: “Ang naghihintay bang buhay sa inyo sa Lupang Pangako ay kasaganaan at kaligayahan, o kabiguan at kamatayan? Ang sagot sa tanong ay sa inyo nakasalalay,” Wika niya. Sa ibang salita, “Kayo ang pipili; hindi ko ipipilit ang kalooban ko sa inyo. Ngunit lagi kong ituturo sa inyo kung ano ang totoong maghahatid sa inyo ng kaligayahan at pagpapala.”

Noong estudyante pa ako, sa lahat ng klase ng eksam, sa TRUE or FALSE ako pinakamaingat. Hindi kasi ito katulad ng “multiple choice” o “fill in the blanks” kung saan marami kang pagpipilian na sagot. Sa TRUE or FALSE, dalawa lang. Walang in-between. Madaling gawin kung laro lang ito. Mahirap kung sa totoong buhay na, lalo na kung ang gagawing desisyon ay may kinalaman sa magiging kinabukasan mo.

Minsan, ang nagtatanong sa iyo ay may masamang balak. Hindi ba merong talinghaga tungkol sa isang salbaheng bata na nakahuli ng isang munting ibong pipit, at nagtanong sa lolo niya: “Lolo, mahuhulaan ba ninyo kung itong ibon sa kamay ko ay buhay o patay?“

Hindi daw sumagot ng oo o hindi ang lolo. Sa halip, ganito ang sagot niya, “Depende sa iyo.” Ibig sabihin, ang sagot sa tanong mo ay “nasa iyong kamay”. Nasa kanya ang desisyon kung palalayain ba niya ang ibon o pipisilin niya para mamatay.

Ganoon din ang sinasabi ng Diyos sa atin. Tayo ba ay pipili nang tama o mali sa iboboto natin? Ang sagot ay depende rin sa atin. Kahit anong dasal ang gawin natin, hindi ito babagsak mula sa langit. Tayo ang gagawa nito, dahil hindi naman ang Diyos kundi tayo ang boboto, tayo ang pipili sa mga kandidato. Kaya kapag mali ang ating pinili at ito ay nagdulot ng pagkawasak sa atin bansa, ano ang karapatan nating sumbatan ang Diyos?

Syempre, laging nasa huli ang pagsisisi, lalo’t kapag nagpadalos-dalos tayo sa pagsagot. Sumagot ka ng TRUE, gayong FALSE pala? Sa totoo lang, maraming beses alam mo namang FALSE ang dapat isagot, pero dahil ang lakas ng naririnig mong bulungan sa mga classmates mo na mahilig mangopya sa test, nagduda ka. TRUE daw ang sagot, at napasunod ka naman. Ganyan kung tumrabaho ang dimonyo. Praktisado na siya. Ginawa na niya iyan sa tao.

Sa simula pa lang sa Paraiso, tinest na nya sina Adan at Eba. TRUE or FALSE? “Madamot ang Diyos. Ipinagbabawal niya ang kumain ng alinman sa mga prutas ng mga halaman sa paraiso.” Sagot ng tao, FALSE. “Ang totoo ay ok lang na kumain ng kahit alin sa mga prutas sa paraiso, maliban sa bungangkahoy na ipinagbawal niya.” Kaya ang tamang sagot ay FALSE. Korek.

Follow-up TRUE or FALSE. “Binawal ng Diyos ang prutas na iyan dahil merong magic, magiging parang Diyos ka rin pagkinain mo.” Sagot ng TAO: “Hmm…Siguro TRUE, masubok nga.” Ang tamang sagot: FALSE. Bagsak tuloy siya.

Finally, ano ang dapat gawin para hindi tayo maloko, malinlang o magkamali ng desisyon? Sabi ni Hesus, huwag padalos-dalos. Ang panlaban kay Satanas ay ang krus. Walang shortcut papuntang Promise Land. Walang ibang daan kundi ang disyerto. Kaya nga tayo nagkukuwaresma. Ang daan patungong pagkabuhay ay kalbaryo. Para magsanay, magreview, magpractice. May time pa naman.

Minsan kasi, akala mo tagumpay ang idudulot sa iyo, iyun pala pagkabigo. Akala mo pakinabang ang ihahatid sa iyo, iyun pala pagkalugi. Ang daigdig laging nag-aalok ng panandaliang pakinabang na habambuhay mo namang pagsisisihan.

At kung minsan, masyado tayong takot bumagsak, dahil akala natin ang lahat ng pagbagsak ay pagkakamali at kabiguan. Kaya nga minsan ginamit ni Hesus ang talinghaga ng butil ng trigo. (Juan 12:24) Tutubo ba ang ang binhi kung hindi ito babagsak sa lupa? Kung dahil sa takot na bumagsak ang binhi pinili mong itabi na lang ito, meron ka bang aanihin pagdating ng panahon?

Kaya ang tanong, ang kahihinatnan ba ng Pilipinas pagkatapos ng eleksyon ay magiging madilim o maliwanag? Ang sagot ay nasa ating mga kamay.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 31,473 total views

 31,473 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 36,891 total views

 36,891 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 43,598 total views

 43,598 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 58,393 total views

 58,393 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 64,549 total views

 64,549 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AWAKENING

 654 total views

 654 total views Homily for Tuesday of the 6th Week of Easter, 07 May 2024, Jn 16:5-11 Pope Francis, in his dialogue with parish priests, told a story about a man who had a conversion experience and told the then archbishop how it happened and how he believed that he was being called by the Lord

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SINASAMBA KITA

 1,038 total views

 1,038 total views Homiliya para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-5 ng Mayo 2024, Juan 15:9-17 (Pista ng Mahal na Ina ng Grasya) Kagagaling namin sa Roma, sa International Synodal Consultation for Parish Priests. Ang huling araw ang pinakahinihintay ng mga pari—ang audience with the Holy Father. Habang nakapila kami, isa-isa kaming sinasabihan ng audience

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG PINAPANIGAN?

 11,993 total views

 11,993 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23 Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya. Madalas pa ring mangyari ang ganyan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“TEN COMMITMENTS”

 10,825 total views

 10,825 total views Homily for Wed of the Third Week of Lent, 6 March 2024, Mt 5:17-19 May nakilala akong isang app developer. May binabalak daw siyang gawin na kakaibang app, idodonate daw niya sa Catholic Church if we are interested: “Online Confession App”. Gagawin daw niyang user-friendly. Automatic daw, magla-log-in lang ang penitent at may

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAY IT FORWARD

 10,811 total views

 10,811 total views Homily for Tuesday of the Third Week of Lent, Mt 18:21-35 Today’s Gospel reminds me of the old version of the Lord’s Prayer. I am referring in particular to that part in the prayer that says “And forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” The old version says,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOU ARE THE MAN!

 10,810 total views

 10,810 total views Homily for Friday of the 2nd Week of Lent, 1 March 2024, Mt 21:33-43, 45-46 Today’s Gospel reading reminds me of that story in the 2nd book of Samuel chapter 11 about the sin of David. Remember that passage about David having an affair with Bathsheba, the wife of his soldier Uriah? How

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BANGUNGOT

 10,813 total views

 10,813 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, 29 Pebrero 2024, Lukas 16:19-31 “Bangungot” ang tawag natin sa masamang panaginip. “Nightmare” sa English. Parang bangungot ang dating ng kuwento ng mayaman sa ebanghelyo. Sorry, wala siyang pangalan. Obvious ang “bias” ng awtor—ang may pangalan sa kuwento ay ang mahirap, ang busabos na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOUR WILL BE DONE

 10,815 total views

 10,815 total views Homily for Wednesday of the Second Week of Lent, 28 February 2024, Mt 20:17-28 The two disciples in today’s Gospel remind me of that dancing girl in the story of the beheading of John the Baptist. Remember that scene when the drunken governor of Gailee, Herod Antipas, after being so pleased with the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“Ang Pagbabagong-Anyo ng Bayang Filipino”

 10,818 total views

 10,818 total views Naisip na ba ninyo, kung hindi naganap ang EDSA PPR, ano na kaya ang nangyari sa ating bayan mula sa araw na iyon ng Feb 25, 1986? Kung walang mga milyong tao na pumagitna sa mga armadong puwersa ng gubyerno at puwersa ng mga nagrebelde, baka umagos nang husto ang dugo sa EDSA.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 14,126 total views

 14,126 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 14,119 total views

 14,119 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 14,120 total views

 14,120 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 14,084 total views

 14,084 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 22,660 total views

 22,660 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 17,793 total views

 17,793 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top