Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 504 total reads

Ang edukasyon kapanalig ay mahalaga, hindi lamang para sa pangako ng mas magandang bukas, kundi para sa mas malinaw na pag-iisip at mas “informed” na pagpapasiya sa kasalukuyan. Habang nag-aaral tayo kapanalig, napapalalim natin ang ating pang-unawa sa pang-araw-araw nating buhay at sa mga nangyayari sa ating lipunan.

Ang edukasyon nga lamang ngayon, kapanalig, ay hindi naabot ng marami nating mga mamamayan. Lalo ngayong panahon ng pandemya, naging mas mahirap para sa marami ang pag-aaral sa ating bansa.

Marami sa atin, lalo na sa mga kanayunan, ang hindi na nakakatapos ng pag-aaral. Dahil nga sa pandemya at kahirapan, mas dumami ang hindi naka-enroll sa paaralan. Tinatayang bumaba ang enrollment nitong 2020 sa public at private schools. Mula 27.7 milyong enrollees noong 2019, naging 23 million na lamang ito.

Bago pa man magpandemya, marami na rin ang hindi nakakapag-aaral. Tinatayang mga 3.53 milyong kabataan may edad 6 to 24 ay mga out of school youth. Ang 83.1% nito ay dapat mga kabataang college students na, mga nasa edad 16 hanggang 24, habang 11.2% naman ay mga edad pang-high school, 12 to 15 years old, at ang halos 6% ay mga six to 11 years old.

Nakaka-alarma na kapanalig, ang dami ng ating mga kabataang hindi nakakapagtapos. Sa kawalan ng edukasyon, ating napagkakait sa mga kabataan ang pagkakataon na matuto, magkaroon ng espesyalisasyon, at magkaroon ng diploma na magagamit nito para maka-angat sa buhay. Ang kawalan din ng edukasyon ay nagnanakaw sa mga kabataan ng oportunidad upang mahasa ang kanilang kakayahang sumuri, magpasya, at maging lider sa karerang kanilang pipiliin.

Atin ding pinababayaan ang ating bansa kung hinahayaan nating bitin ang access sa edukasyon ng ating mga kababayan. Sa halip na tumaas ang kalidad ng ating human capital bilang isang bansa, tayo mismo ang nagpapababa nito dahil hindi natin maiangat ang access to education, lalo na sa kolehiyo, kung saan napakadami ang hindi nakakapagtapos, o nakakapasok man lang.

Kapanalig, ayon nga sa Evangelii Gaudium, ang pangarap natin ay dapat mas mataas pa sa simpleng survival o daily sustenance lamang. Nais din natin na ating masiguro ang araw araw na kabutihan ng balana pati na ang kanyang pag-unlad. At para maabot natin ito, kailangan ng lahat ng access sa mga batayang serbisyo, gaya ng kalusugan, trabaho, at edukasyon. Sa mga batayang serbisyo  na ito, ating naipapahayag at napapayayabong ang dignidad ng ating pagkatao.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 12,503 total reads

 12,503 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 93,741 total reads

 93,741 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 187,966 total reads

 187,966 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 248,456 total reads

 248,456 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 261,733 total reads

 261,733 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

1,2,3 kanya-kanya na!

 12,504 total reads

 12,504 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 93,742 total reads

 93,742 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 187,967 total reads

 187,967 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 248,457 total reads

 248,457 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »
Scroll to Top