VeritasPH

The Word, The Truth

 258 total views

Homiliya para sa Huwebes Pagkatapos ng Miyerkules ng Abo, 03 Marso 2022, Lukas 9:22-25

Akmang-akma sa sitwasyon natin ngayon ang mga pagbasa dahil dalawang buwan na lang, eleksyon na.

Ang salitang “eleksyon” ay galing sa Latin na ELIGERE, ELECTIO, na ang ibig sabihin ay PUMILI, PAGPILI. Ito ang sinasabi ni Moises sa ating unang pagbasa sa paalala niya sa bayang Israel bago sila pumasok sa Lupang Pangako: “Ang naghihintay bang buhay sa inyo sa Lupang Pangako ay kasaganaan at kaligayahan, o kabiguan at kamatayan? Ang sagot sa tanong ay sa inyo nakasalalay,” Wika niya. Sa ibang salita, “Kayo ang pipili; hindi ko ipipilit ang kalooban ko sa inyo. Ngunit lagi kong ituturo sa inyo kung ano ang totoong maghahatid sa inyo ng kaligayahan at pagpapala.”

Noong estudyante pa ako, sa lahat ng klase ng eksam, sa TRUE or FALSE ako pinakamaingat. Hindi kasi ito katulad ng “multiple choice” o “fill in the blanks” kung saan marami kang pagpipilian na sagot. Sa TRUE or FALSE, dalawa lang. Walang in-between. Madaling gawin kung laro lang ito. Mahirap kung sa totoong buhay na, lalo na kung ang gagawing desisyon ay may kinalaman sa magiging kinabukasan mo.

Minsan, ang nagtatanong sa iyo ay may masamang balak. Hindi ba merong talinghaga tungkol sa isang salbaheng bata na nakahuli ng isang munting ibong pipit, at nagtanong sa lolo niya: “Lolo, mahuhulaan ba ninyo kung itong ibon sa kamay ko ay buhay o patay?“

Hindi daw sumagot ng oo o hindi ang lolo. Sa halip, ganito ang sagot niya, “Depende sa iyo.” Ibig sabihin, ang sagot sa tanong mo ay “nasa iyong kamay”. Nasa kanya ang desisyon kung palalayain ba niya ang ibon o pipisilin niya para mamatay.

Ganoon din ang sinasabi ng Diyos sa atin. Tayo ba ay pipili nang tama o mali sa iboboto natin? Ang sagot ay depende rin sa atin. Kahit anong dasal ang gawin natin, hindi ito babagsak mula sa langit. Tayo ang gagawa nito, dahil hindi naman ang Diyos kundi tayo ang boboto, tayo ang pipili sa mga kandidato. Kaya kapag mali ang ating pinili at ito ay nagdulot ng pagkawasak sa atin bansa, ano ang karapatan nating sumbatan ang Diyos?

Syempre, laging nasa huli ang pagsisisi, lalo’t kapag nagpadalos-dalos tayo sa pagsagot. Sumagot ka ng TRUE, gayong FALSE pala? Sa totoo lang, maraming beses alam mo namang FALSE ang dapat isagot, pero dahil ang lakas ng naririnig mong bulungan sa mga classmates mo na mahilig mangopya sa test, nagduda ka. TRUE daw ang sagot, at napasunod ka naman. Ganyan kung tumrabaho ang dimonyo. Praktisado na siya. Ginawa na niya iyan sa tao.

Sa simula pa lang sa Paraiso, tinest na nya sina Adan at Eba. TRUE or FALSE? “Madamot ang Diyos. Ipinagbabawal niya ang kumain ng alinman sa mga prutas ng mga halaman sa paraiso.” Sagot ng tao, FALSE. “Ang totoo ay ok lang na kumain ng kahit alin sa mga prutas sa paraiso, maliban sa bungangkahoy na ipinagbawal niya.” Kaya ang tamang sagot ay FALSE. Korek.

Follow-up TRUE or FALSE. “Binawal ng Diyos ang prutas na iyan dahil merong magic, magiging parang Diyos ka rin pagkinain mo.” Sagot ng TAO: “Hmm…Siguro TRUE, masubok nga.” Ang tamang sagot: FALSE. Bagsak tuloy siya.

Finally, ano ang dapat gawin para hindi tayo maloko, malinlang o magkamali ng desisyon? Sabi ni Hesus, huwag padalos-dalos. Ang panlaban kay Satanas ay ang krus. Walang shortcut papuntang Promise Land. Walang ibang daan kundi ang disyerto. Kaya nga tayo nagkukuwaresma. Ang daan patungong pagkabuhay ay kalbaryo. Para magsanay, magreview, magpractice. May time pa naman.

Minsan kasi, akala mo tagumpay ang idudulot sa iyo, iyun pala pagkabigo. Akala mo pakinabang ang ihahatid sa iyo, iyun pala pagkalugi. Ang daigdig laging nag-aalok ng panandaliang pakinabang na habambuhay mo namang pagsisisihan.

At kung minsan, masyado tayong takot bumagsak, dahil akala natin ang lahat ng pagbagsak ay pagkakamali at kabiguan. Kaya nga minsan ginamit ni Hesus ang talinghaga ng butil ng trigo. (Juan 12:24) Tutubo ba ang ang binhi kung hindi ito babagsak sa lupa? Kung dahil sa takot na bumagsak ang binhi pinili mong itabi na lang ito, meron ka bang aanihin pagdating ng panahon?

Kaya ang tanong, ang kahihinatnan ba ng Pilipinas pagkatapos ng eleksyon ay magiging madilim o maliwanag? Ang sagot ay nasa ating mga kamay.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 1,699 total views

 1,699 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 9,684 total views

 9,684 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 17,220 total views

 17,220 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 33,206 total views

 33,206 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 41,250 total views

 41,250 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 168 total views

 168 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,924 total views

 2,924 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,339 total views

 7,339 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,665 total views

 2,665 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,188 total views

 3,188 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,687 total views

 4,687 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,531 total views

 5,531 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,786 total views

 3,786 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,999 total views

 7,999 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,232 total views

 7,232 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,442 total views

 11,442 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,890 total views

 4,890 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,894 total views

 4,894 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,894 total views

 4,894 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,886 total views

 4,886 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top