Sambayanang Filipino, hinihimok ng Caritas Manila na makiisa sa Padayon online concert at Alay Kapwa telethon 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 921 total reads

Mas pinaigting ng Caritas Manila ang mga programa para sa mahihirap at nangangailangan ngayong kuwaresma.

Sa panayam ng programang Caritas in Action sa Division Head ng Financial Stewardship Department ng Caritas Manila na si Ms. Rye Zotomayor, sinabi nito na abala ang kanilang hanay sa iba’t ibang fund raising campaign ngayong lenten season.

Una na dito ang nalalapit na online concert ng Caritas Manila katuwang ang Viva Live Inc. na PADAYON o Pag-ibig, Damayan sa Pag-ahon na gaganapin sa ika-25 ng Marso 2022 kung saan itatampok ang ilang kilalang mang-aawit mula sa Viva.

Layun ng konsyerto na makalikom ng pondo para sa pagpapakumpuni ng mga simbahan sa 10 Diyosesis sa bansa partikular na sa Visayas at Mindanao.

“Ngayon po ay meron tayong fund raising online concert na mangyayari sa March 25, Ito ay for the reconstruction ng mga Chapel o Simbahan na nasira ng bagyong Odette. Sila po ay tutulungan natin na maitayo muli” pahayag ni Zotomayor.

Ang mga makikiisa ay maaring mag-avail ng P1, 000: P3, 000 at P5,000 tickets.

“Ang halaga po nito ay P1,000, P3,000 at P5,000 pwede po kayo mag-avail ng ticket through KTX website o kaya sa mga bank account ni Caritas Manila, padalhan nyo lang po kami ng deposit slip for confirmation para mapadala namin ang link sa March 25”

Abala din ang Caritas Manila para sa Alay Kapwa Program kung saan nag-iipon ng pondo ang Simbahan para naman magamit sa oras ng kalamidad.

“Ito po ay sa Damayan Program bilang paghahanda sa mga parating na sakuna at krisis at kasama po dito ang programang Caritas in Action sa [Radio Veritas] kung saan tumutulong tayo sa mga may sakit o karamdaman” pahayag pa ng kinatawan ng Caritas Manila.

Inaasahan na sa ika-11 ng Abril, Lunes santo ay magsasagawa ng isang araw na Alay Kapwa Telethon 2022 ang Caritas Manila at Radyo Veritas kung saan mapapanood at mapapakinggan ang iba’t-ibang pagpapatotoo at pagninilay ng mga lider ng Simbahan patungkol sa kahalagahan ng pagtutulungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 27,403 total reads

 27,403 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 107,550 total reads

 107,550 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 201,776 total reads

 201,776 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 262,265 total reads

 262,265 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 274,760 total reads

 274,760 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 99,868 total reads

 99,868 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top