Mga residente ng Iligan sa Lanao del Norte, binaha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,977 total reads

Maraming residente sa Diocese ng Iligan sa Lanao Del Norte ang nakaranas ng pagbaha dahil sa ilang araw na walang tigil na pag-ulan.

Naitala ang pagkasira ng ilang mga tulay, mga poste ng kuryente at mga nasirang kabahayan dahil sa rumaragasang tubig galing sa mga ilog dahilan para magsilikas ang mga residente.

Batay sa monitoring ng Diocese ng Iligan, sa kasalukuyan ay humupa ng ang baha sa munisipalidad ng Kauswagan at inalis na din ang advisory sa bahagi ng lokal ng pamahalaan.

“So far po ang-drain na ang tubig baha. Natanggal na din ang advisory although we are still advised to remain vigilant dagil may ulan pa sa ngayon” mensahe ni Fe Salimbagon mula sa Social Action Center ng Diocese of Iligan.

Kasalukuyan pa rin ang ginagawang follow up sa mga Parokya na apektado ng pagbaha at inaalam ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

“So far meron po tayo relief operation sa Lord of the Holy Cross Parish sa Palao [Iligan City], nakikipag-ugnayan pa din po tayo sa iba pang parokya” dagdag na mensahe ni Salimbagon .

Magugunitang dahil sa matinding pag-ulan at mga insidente ng pagbaha ay nagdeklara kahapon ng pagpapatigil sa pasok sa eskwela at mga tanggapan ang lokal na pamahalaan ng Iligan City.

Sa isang panayam, sinabi ng alkalde ng Kauswagan na ang pagbaha ay resulta ng isinagawang road widening ng Department of Public works and Highways o DPWH kung saan nabarahan ang mga daluyan ng tubig.

Kasalukuyan din nakakaranas ng masamang panahon ang ilang alawigan sa Visayas region at Mindanao dahil sa epekto ng low pressure area.

Kaugnay nito, nagpapatuloy ang Simbahang katolika sa adbokasiya na pangalagaan ang kalikasan upang makaiwas sa mga mapaminsalang kalamidad.

Kamakailan lamang ay naglabas ng pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP kung saan hinimok nito ang mga mananampalataya na isabuhay ang mga katuruan ng encyclical letter ni Pope Francis para sa kalikasan na Laudato Si.

Ngayon panahon ng kuwaresma, ginagawa din ng Simbahan ang programang Alay Kapwa na naglalayong makalikom ng pondo para maitulong sa mga nagiging biktima ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 11,099 total reads

 11,099 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 110,233 total reads

 110,233 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 154,501 total reads

 154,501 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 177,614 total reads

 177,614 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 252,037 total reads

 252,037 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 109,997 total reads

 109,997 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top