Sambayanang Filipino, hinihimok ng Caritas Manila na makiisa sa Padayon online concert at Alay Kapwa telethon 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,053 total reads

Mas pinaigting ng Caritas Manila ang mga programa para sa mahihirap at nangangailangan ngayong kuwaresma.

Sa panayam ng programang Caritas in Action sa Division Head ng Financial Stewardship Department ng Caritas Manila na si Ms. Rye Zotomayor, sinabi nito na abala ang kanilang hanay sa iba’t ibang fund raising campaign ngayong lenten season.

Una na dito ang nalalapit na online concert ng Caritas Manila katuwang ang Viva Live Inc. na PADAYON o Pag-ibig, Damayan sa Pag-ahon na gaganapin sa ika-25 ng Marso 2022 kung saan itatampok ang ilang kilalang mang-aawit mula sa Viva.

Layun ng konsyerto na makalikom ng pondo para sa pagpapakumpuni ng mga simbahan sa 10 Diyosesis sa bansa partikular na sa Visayas at Mindanao.

“Ngayon po ay meron tayong fund raising online concert na mangyayari sa March 25, Ito ay for the reconstruction ng mga Chapel o Simbahan na nasira ng bagyong Odette. Sila po ay tutulungan natin na maitayo muli” pahayag ni Zotomayor.

Ang mga makikiisa ay maaring mag-avail ng P1, 000: P3, 000 at P5,000 tickets.

“Ang halaga po nito ay P1,000, P3,000 at P5,000 pwede po kayo mag-avail ng ticket through KTX website o kaya sa mga bank account ni Caritas Manila, padalhan nyo lang po kami ng deposit slip for confirmation para mapadala namin ang link sa March 25”

Abala din ang Caritas Manila para sa Alay Kapwa Program kung saan nag-iipon ng pondo ang Simbahan para naman magamit sa oras ng kalamidad.

“Ito po ay sa Damayan Program bilang paghahanda sa mga parating na sakuna at krisis at kasama po dito ang programang Caritas in Action sa [Radio Veritas] kung saan tumutulong tayo sa mga may sakit o karamdaman” pahayag pa ng kinatawan ng Caritas Manila.

Inaasahan na sa ika-11 ng Abril, Lunes santo ay magsasagawa ng isang araw na Alay Kapwa Telethon 2022 ang Caritas Manila at Radyo Veritas kung saan mapapanood at mapapakinggan ang iba’t-ibang pagpapatotoo at pagninilay ng mga lider ng Simbahan patungkol sa kahalagahan ng pagtutulungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,284 total reads

 63,284 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,180 total reads

 142,180 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,625 total reads

 175,625 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 210,924 total reads

 210,924 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 434,896 total reads

 434,896 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,870 total reads

 111,870 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top