Parish forest project, paiigtingin ng Diocese of Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,109 total reads

Pursigido si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na ipagpatuloy ang kanilang proyekto na makapagtayo ng mga Forest Reservation area sa bawat parokya ng kanilang nasasakupan.

Ito ang inihayag ni Bishop Uy matapos na maraming mga puno at kakahuyan ang nasira sa pananalasa ng bagyong Odette tatlong buwan na ang nakakalipas.

Ayon sa Obispo bago pa ang pananalasa ng bagyo ay nagsimula na sila sa naturang inisyatibo kung saan ang bawat parokya ay hinihikayat na magtayo ng “Parish Forest” na layong maparami ang mga puno at bungang-kahoy sa kanilang mga nasasakupan at magsilbing inspirasyon sa mga tao.

“We organize [this] last year we try to inaugurate this program we call Parish forest. I Dream of having a forest in every Parish para ma-inspire ang mga tao na magtanim ng mga hardwood trees at fruit bearing trees. They [Parish] will maintain it and plant more trees there and for many people who don’t have lands and they are interested in the tree growing program but don’t have a place to plant, with the Parish forest they have a place to go where they can plant trees.” Pahayag ni Bishop Uy sa panayam ng Radio Veritas.

Aminado ang Obispo na naapektuhan ng bagyong Odette ang kanilang programa ngunit lalo silang nakumbinsi na ipagpatuloy ito matapos na makita ang epekto ng pagkasira ng kalikasan sa buhay ng mamamayan.

“It’s sad because of [Typhoon] Odette a lot of the trees have brought down but we are willing to start again tree growing and tree planting in coordination with the government agencies.”pahayag ni Bishop Uy

Naniniwala ang lider ng Diocese of Tagbilaran na ang kawalan ng mga puno at mga halaman ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya’t nagaganap ang mga mapaminsalang kalamidad dahilan upang paiigtingin nila ang proyekto.

“Actually I’m a Pope Francis fanatic, Laudato Si is really special for us. It has touched me deeply and motivated me to give my all for this cost, to save our environment. We are here just to inspire we cannot do everything but I believe I see myself as an inspiration together with the Lord to inspire people to care for the environment and do whatever they can for the good of the people of God” paliwanag ng Obispo.

Magugunitang Disyembre ng taong 2021 ng manalasa sa Pilipinas ang bagyong Odette kung saan isa ang lalawigan ng Bohol sa labis na napinsala.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang mga rehabilitation efforts ng iba’t-ibang organisasyon ng Simbahan upang makatulong sa pagbangon ng mga naapektuhang residente.(

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 6,843 total reads

 6,843 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 7,022 total reads

 7,022 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 21,941 total reads

 21,940 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 144,370 total reads

 144,370 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 194,734 total reads

 194,734 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 321,792 total reads

 321,792 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 406,278 total reads

 406,278 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 122,239 total reads

 122,239 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top