Simbahan sa Pilipinas, nakikiisa sa pagtatalaga ni Pope Francis sa Russia at Ukraine sa Kalinga ng Mahal na Birhen

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 993 total reads

Napapanahong itaas sa Panginoon ang lahat ng pangyayari sa mundo sa tulong at gabay ng Mahal na Birheng Maria.

Ito ang mensahe ni Digos Bishop Guillermo Afable- National Spiritual Director ng World Apostolate of Fatima of the Philippines hinggil sa nangyaring kaguluhan sa Russia at Ukraine.

“In the midst of trials and tribulations this is not really the time to be overwhelmed by worries and anxieties instead it is a time for us to raise the banner of Jesus and Mary, the banner of the Divine Mercy and the banner of Our Lady,” pahayag ni Bishop Afable sa Radio Veritas.

Nakikiisa ng obispo ang isasagawang pagtatalaga sa Russia sa pangangalaga ng Kalinis-linisang Puso ni Maria na pangungunahan ni Pope Francis sa March 25 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Paghahayag ng Mabuting Balita tungkol sa Panginoon.

Sinabi ni Bishop Afable na hindi dapat nangyayari ang mga trahedya, kaguluhan at kalamidad sa mundo kung maingat at matapat ang tao sa Panginoon.

Matatandaang sa pagpapakita ng Mahal na Birheng Maria noong 1917 sa Fatima, Portugal kabilang sa mga mensahe ang kahilingang italaga ang Russia sa kanyang Kalinis-linisang puso.

Sinabi pa ng Mahal na Ina na kung pakikinggan ang kanyang kahilingan magkakaroon ng kapayapaan ang buong mundo subalit kung bigo itong maisakatuparan mangunguna ang Russia sa pagpapalaganap ng hindi pagkakasundo na hahantong sa kaguluhan.

“Kaya nga ang Our Lady of Fatima noong 1917 asks for prayer, repentance and consecration para yung kasamaan hindi hahantong sa trahedya; pwedeng hadlangan sa pamamagitan ng ating pagdarasal, pagbabalik-loob sa Diyos at pag-consecrate,” ani Bishop Afable.

Nauna nang itinalaga ng simbahang katolika ang buong mundo at Russia sa kalinga ng Mahal na Birhen noong October 31, 1942 sa pangunguna ni Pope Pius XII, at May 13, 1982; March 25, 1984 at October 8, 2000 sa pangunguna naman ni Pope St. John Paul II.

October 2013 naman ng muling itinalaga ni Pope Francis ang buong daigdig sa Kalinis-linisang puso ni Maria kasabay ng pagkahalal bilang pinunong pastol ng buong simbahang katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 34,102 total reads

 34,102 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 56,301 total reads

 56,301 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 92,801 total reads

 92,801 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 313,426 total reads

 313,426 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 346,092 total reads

 346,092 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top