Communal prayer rally, isasagawa sa National Shrine of St. Padre Pio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 754 total reads

Inaanyayahan ng Lipa Archdiocesan Council of the Laity ang mananampalataya na makibahagi sa nakatakdang Dasalan sa Batangan: Kaliwanagan sa Halalan kung saan isang communal prayer rally ang isasagawa bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa bansa.

Pangungunahan ang gawain ng Sangguniang Laiko ng Arkidiyosesis ng Lipa na naglalayong hilingin ang paggabay ng Espiritu Santo para sa matalinong pagpili ng sambayanang Filipino sa mga bagong mamumuno sa bansa.

“Sa darating na ika-21 ng Marso sa ganap na ika-isa ng hapon, malugod po namin kayong inaanyayahan sa gaganaping Dasalan sa Batangan para sa Kaliwanagan sa darating na Halalan.” Bahagi ng paanyaya ng Sangguniang Laiko ng Arkidiyosesis ng Lipa.

Ayon sa Lipa Archdiocesan Council of the Laity sa pangunguna ng pangulong si Maria Elizabeth Quinto, nasasaad sa Aral ng Batangueño at Second Plenary Council of the Philippines (PCP 2) na tungkulin ng mga layko na tumulong sa paggabay at pagtuturo sa kanyang kapwa na maging mapanuri at wastong makapili ng mga karapat-dapat na lider.

“Kami ang Sangguniang Laiko ng Arkidiyosesis ng Lipa na naghahangad ng malinis, tapat at mapayapang halalan ay humihingi ng gabay ng Espiritu Santo para sa aming napupusuang mamumuno ng ating bayan.Ayon na rin sa PCP2 kami palang mga layko na hinubog sa Salita ng Diyos ay may katungkulan na maggabay at tumulong upang turuan ang aming mga kapwa na magkaroon ng tama at wastong pagpili para sa mga mamumuno sa aming bayan.” Dagdag pa ng Sangguniang Laiko ng Arkidiyosesis ng Lipa.

Nakatakda ang Dasalan sa Batangan para sa Kaliwanagan sa darating na Halalan sa ika-21 ng Marso mula ala-una hanggang alas-kwatro ng hapon na gagawin sa National Shrine of St. Padre Pio, Sto. Tomas Batangas.

Inaasahan naman ang pagdalo sa pagtitipon ni Presidential aspirant Vice President Leni Robredo na una ng inendorso ng Lipa Archdiocesan Council of the Laity matapos ang isinagawang process of discernment ng mga opisyal at kasaping layko ng arkidiyosesis na kinabibilangan ng mga serye ng pagpupulong, talakayan at konsultasyon.

Nasa 30,000 mga Rosaryong kulay rosas at prayer cards ang ipamamahagi sa mga dadalo sa gawain kung saan kabilang ang pananalangin ng Santo Rosaryo sa mga nakahanay na aktibidad sa gagawing Dasalan sa Batangan: Kaliwanagan sa Halalan.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 15,942 total reads

 15,942 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 5,463 total reads

 5,463 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 87,101 total reads

 87,101 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 181,326 total reads

 181,326 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 241,816 total reads

 241,816 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 255,446 total reads

 255,446 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 15,943 total reads

 15,943 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 17,819 total reads

 17,819 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »
Scroll to Top