Simbahan bukas para sa lahat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,469 total reads

Bukas ang Simbahan para sa lahat at para sa pagkakasundo.

Ito ang naging reaksyon ni Rev. Fr Noel Nuguid, Director ng Diocesan Parish Pastoral Council for Responsible Voting(PPCRV) sa Diocese of Balanga matapos ang sunod-sunod na pagbisita ng ilang presidentiables sa Diyosesis.

Ayon kay Fr. Nuguid, ang mukha ng Simbahan ay bukas kamay na tumatanggap sa sinumang kandidato na naglalayon na magkaroon ng dayalogo at pagbabasbas.

Sinabi ni Fr. Nuguid na ang pagbisita ng mga kandidato sa Simbahan lalo na ng mga national candidates ay hindi na bago ngunit mas nabibigyan lamang ng kulay at pansin dahil na rin sa ‘social media’.

Tiniyak ng Pari na ang Diocese of Balanga ay hindi kailanman magiging partisan at isusulong lamang ang pagtuturo sa mga mamamayan at mananampalataya ng nasasaad sa katuruan ng Simbahang Katolika.

“Ang simbahan ay bukas sa pangtanggap sa lahat at inaasahan na ang Simbahan ang magiging dahilan ng pagkakasundo, may pagkakataon na hindi ito ang pananaw ng iba pero ito ang ating isinasabuhay at ito din ang panawagan ng Panginoong Hesu Kristo sa mga mananampalataya” pahayag ni Fr. Nuguid sa panayam ng Radyo Veritas.

Aminado naman si F. Nuguid na kung may pagkakataon ay inilalatag ng Diocese ang mga adbokasiya nito sa dumadalaw na mga kandidato at nagkakaroon ng bukas na pakikinig sa bawat panig.

“Hindi sa lahat sa kanila, minsan limitado lang, minsan matagal. Meron naman na kandidato na nakipagpalitan tayo ng adbokasiya sa atin at sa kanilang adbokasiya” pahayag ng Diocesan PPCRV Chair.

Naunang kinumpirma ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang pagdalaw ng mga Presidentiables na sina Vice President Leni Robredo, Bongbong Marcos Jr. at Manila Mayor Isko Moreno na kapwa tinanggap ni Balanga Bishop Ruperto Santos.

Read: Mga lider ng Simbahan, bukas sa sinumang kandidato na humihingi ng pagbabasbas

Tinatayang nasa mahigit 545,000 ang registered voters sa lalawigan ng Bataan noong taong 2019.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 9,812 total reads

 9,812 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 91,215 total reads

 91,215 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 185,440 total reads

 185,440 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 245,930 total reads

 245,930 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 259,356 total reads

 259,355 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 99,742 total reads

 99,742 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top