328 total views

Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, 17 Marso 2022, LK 16:19-31

Mula sa kinalalagyan niyang pagdurusa, nakita daw ng mayaman si Lazaro na nasa kandungan ni Abraham. (Aba, bakit kaya sa kabilang buhay, nakita niya si Lazaro? Noong buhay pa siya dito sa mundo nandoon lang daw ang pulubi sa may tabi ng gate ng bahay niya pero parang hindi niya nakikita. Siguro hindi naman sila talaga malayo sa isa’t isa. Pinaglalayo lang sila ng malalim na bangin.)

Balik tayo sa kabilang buhay—nagmakaawa daw ang mayaman, humihingi ng tulong kay Abraham pero ang sagot ni Abraham ay: “Anak, gusto ko mang tulungan ka hindi ko magawa. May malaking agwat sa pagitan natin na hindi pwedeng tawirin mula dito papunta diyan o mula diyan patungo dito.”

Isang palaisipan ang AGWAT na tinutukoy ni Abraham sa kuwento. Tandaan natin, ito ay isang talinghaga. Isang palaisipan, kaya pag-isipan natin ngayon nang mabuti.

Sa Filipino ang salitang AGWAT ay may kinalaman sa distansya sa pagitan ng dalawang tao, o mga grupo o mga sitwasyon. Sa mga lumang pelikulang Pilipino, madalas kong marinig ito sa mga dialogue lines ng mga bida, lalo na kapag ang magkasintahan ay magkalayo ng estado o antas ng pamumuhay. Halimbawa, isang binatang anak ng among mayaman na umiibig sa anak ng kanilang katulong. Sasabihin ng babae sa lalaki, “Imposibleng mangyari ang maging magkasintahan tayo. Langit at lupa ang agwat natin.”

Ibig sabihin “Masyadong malayo ang mga estado o katayuan natin sa lipunan.” May agwat. At ang ginagamit na larawan ng ebanghelyo ay BANGIN. Kahit magkalapit ang dalawang mataas na lugar, kung may malalim na bangin sa pagitan nila at wala namang tulay para makatawid, malapit man malayo rin.

Katulad ng North at South Korea—dating isang bayan, nahati sa dalawa at nahiwalay sila sa isa’t isa. Nakakalipad patungong America at Europa ang mga South Koreans, pero hindi nila matawid ang 38th parallel para pumasok ng North Korea. Ganyan din ang China at Taiwan. Pinaglayo ng pulitika at ideolohiya. Ganyan din dati sa Europa, sa pagitan ng Eastern at Western Europe. Ang dating simbolo ng agwat nila ay ang BERLIN WALL. Bumagsak ang pader na iyon noong 1989, noon din nagsimula ang pagkakawatak-watak ng dating Soviet Union.

Ngayon, mukhang gustong itayong muli ng presidente Putin ng Russia ang dating Soviet Union. Mukhang ibig niya na gumawa na naman ng isang bagong agwat o distansya. Imbes na magtayo siya ng pader, sinakop ang Ukraine at patuloy na pinupulbos ito. Para bang ibig niyang gawing isang malalim na hukay ang Ukraine, para wala nang muling makatatawid.

Sino ba, ayon sa kuwento ni Hesus ang gumawa ng agwat sa pagitan ng mayaman at ni Lazaro? Hindi naman sinasabi. Ito bang agwat na ito’y sa kabilang buhay lang? Balikan natin ang kuwento bago sila namatay. Si Lazaro daw ay isang pulubi na nasa may bungad lang ng bahay ng mayaman nagpapalimos. Habang nagpapasasa ang mayaman sa kabusugan, namamatay naman daw ng gutom si Lazaro. Ibig daw ni Lazaro na makiamot at kumain kahit mula lang sa mga mumo ng tira-tirang tinapay na nahuhulog mula sa mesa ng mayaman, ngunit hindi niya maabot ang mga ito. Nauunahan pa raw siya ng mga aso. Ibig sabihin may bakod sa pagitan nila. At mukhang mas mabilis makaabot sa nahuhulog na pagkain ang mga aso, at mas mabilis ding makalusot sa bakod na iyon papunta kay Lazaro para himurin ang mga sugat niya. Ay, malapit man ay malayo rin.

Parang ganito ang punto ng ating ebanghelyo: ang mga agwat natin sa buhay dito sa mundong ibabaw ay dadalhin natin hanggang sa kabilang buhay. Magbabaligtad ang sitwasyon, pero ang agwat pareho pa rin. Ang dating walang malasakit ang siya ngayon hindi pagmamalasakitan. Ang dating hindi namamansin ang siya ngayong hindi papansinin. Dahil ang agwat na bunga ng kasalanan na hindi matawid dito sa daigdig ay hindi rin matatawid sa kabila.

Pero may mabuting balita. May nagtagumpay na na makatawid sa bangin na ito. Walang iba kundi si Kristo. Hindi lang naganap ito noong siya’y muling nabuhay matapos na siya’y pinagdusa at ipinako sa krus. Sa simula pa lang, nang ang Anak ng Diyos ay nagpakumbaba at nagkatawan bilang anak ng tao, tinawid na niya ang bangin na naghihiwalay sa Diyos at tao, upang ang taong kusang lumayo sa Diyos ay maibalik niyang muli sa piling ng Diyos.

Hindi ba’t sinasabi natin sa Credo na NANAOG SIYA SA IMPYERNO? Ibig sabihin bumaba siya, tumawid, at nagtagumpay siya. Binagtas niya ang agwat upang siya mismo ang maging tulay, ang tulay ng malasakit, sa pagitan ng Diyos at sangkatauhan. Tama si Abraham, wala nga sa atin ang makatatawid sa bangin ng kasalanan at kamatayan kundi ang Diyos mismo na umako sa ating kasalanan at kamatayan.

Parang ito ang sorpresa sa wakas ng panahon, ayon sa ebanghelyo. Ang tinulungan mo ang siya palang tutulong sa iyo. Ang nagugutom na pinakain mo ang siya palang magpapakain sa iyo. Ang palaboy na pinatuloy mo ang siya palang magpapatulóy sa iyo, ang maysakit na kinalinga mo ang siya palang kakalinga sa iyo sa kabila. Siya pala ang magsisilbing tulay na mag-uugnay sa mga agwat sa daigdig.

Akala mo iniligtas mo siya, siya pala ang magliligtas sa iyo. Siya pala ang gigising sa tunay mong pagkatao na madalas pinamamanhid o pinapatay ng kawalan ng malasakit at pakialam. Kaya pala sinabi rin ni Hesus sa isa pang talinghaga ng huling paghuhukom kay San Mateo, “Ano man ang ginawa mo sa pinakahamak sa mga kapatid ko, iyan ay ginawa mo sa akin.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 52,277 total views

 52,277 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 57,695 total views

 57,695 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 64,402 total views

 64,402 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 79,195 total views

 79,195 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 85,351 total views

 85,351 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AWAKENING

 1,036 total views

 1,036 total views Homily for Tuesday of the 6th Week of Easter, 07 May 2024, Jn 16:5-11 Pope Francis, in his dialogue with parish priests, told a story about a man who had a conversion experience and told the then archbishop how it happened and how he believed that he was being called by the Lord

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SINASAMBA KITA

 1,420 total views

 1,420 total views Homiliya para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-5 ng Mayo 2024, Juan 15:9-17 (Pista ng Mahal na Ina ng Grasya) Kagagaling namin sa Roma, sa International Synodal Consultation for Parish Priests. Ang huling araw ang pinakahinihintay ng mga pari—ang audience with the Holy Father. Habang nakapila kami, isa-isa kaming sinasabihan ng audience

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG PINAPANIGAN?

 12,373 total views

 12,373 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23 Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya. Madalas pa ring mangyari ang ganyan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“TEN COMMITMENTS”

 11,205 total views

 11,205 total views Homily for Wed of the Third Week of Lent, 6 March 2024, Mt 5:17-19 May nakilala akong isang app developer. May binabalak daw siyang gawin na kakaibang app, idodonate daw niya sa Catholic Church if we are interested: “Online Confession App”. Gagawin daw niyang user-friendly. Automatic daw, magla-log-in lang ang penitent at may

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAY IT FORWARD

 11,191 total views

 11,191 total views Homily for Tuesday of the Third Week of Lent, Mt 18:21-35 Today’s Gospel reminds me of the old version of the Lord’s Prayer. I am referring in particular to that part in the prayer that says “And forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” The old version says,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOU ARE THE MAN!

 11,190 total views

 11,190 total views Homily for Friday of the 2nd Week of Lent, 1 March 2024, Mt 21:33-43, 45-46 Today’s Gospel reading reminds me of that story in the 2nd book of Samuel chapter 11 about the sin of David. Remember that passage about David having an affair with Bathsheba, the wife of his soldier Uriah? How

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BANGUNGOT

 11,193 total views

 11,193 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, 29 Pebrero 2024, Lukas 16:19-31 “Bangungot” ang tawag natin sa masamang panaginip. “Nightmare” sa English. Parang bangungot ang dating ng kuwento ng mayaman sa ebanghelyo. Sorry, wala siyang pangalan. Obvious ang “bias” ng awtor—ang may pangalan sa kuwento ay ang mahirap, ang busabos na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOUR WILL BE DONE

 11,195 total views

 11,195 total views Homily for Wednesday of the Second Week of Lent, 28 February 2024, Mt 20:17-28 The two disciples in today’s Gospel remind me of that dancing girl in the story of the beheading of John the Baptist. Remember that scene when the drunken governor of Gailee, Herod Antipas, after being so pleased with the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“Ang Pagbabagong-Anyo ng Bayang Filipino”

 11,198 total views

 11,198 total views Naisip na ba ninyo, kung hindi naganap ang EDSA PPR, ano na kaya ang nangyari sa ating bayan mula sa araw na iyon ng Feb 25, 1986? Kung walang mga milyong tao na pumagitna sa mga armadong puwersa ng gubyerno at puwersa ng mga nagrebelde, baka umagos nang husto ang dugo sa EDSA.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 14,506 total views

 14,506 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 14,498 total views

 14,498 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 14,499 total views

 14,499 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 14,463 total views

 14,463 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 23,039 total views

 23,039 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 18,172 total views

 18,172 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top