Caritas Manila, nagpadala ng tulong pinansiyal sa Caritas Ukraine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,723 total reads

Nagpadala ng isang milyong piso na tulong pinansiyal ang Caritas Manila para sa Caritas Ukraine.

Ito ay bilang pakikiisa sa patuloy na humanitarian efforts na ginagawa ng Caritas Ukraine para sa mga mamamayan na naapektuhan ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Una nang nakipag-ugnayan si Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual kay Caritas Internationalis President at dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle upang ipahayag ang kagustuhan ng Manila-based Caritas na magpadala ng tulong sa Ukraine.

Sa naging panayam ng Radyo Veritas kay Fr. Pascual,sinabi nito na ang Caritas Manila ay nakikiisa sa panawagan ng kapayapaan at naniniwala siyang walang sinuman ang nananalo sa digmaan.

Una nang umapela ng pagkakaisa at tulong pinansiyal ang Caritas Ukraine para sa mga mamamayan ng kanilang bansa na naiipit sa kaguluhan.

Sa isang panayam ng Rome-based media agency na Vatican News kay Cardinal Tagle, sinabi nito na labis ang kanyang nararamdamang kalungkutan dahil sa epekto ng patuloy na nagaganap na digmaan.

Umaasa ang Kardinal na hindi pa rin mawawala ang pag-asa na magkakaroon ng usaping pangkapayapaan at matitigil na ang alitan ng dalawang nasabing bansa lalo na bilang paggunita sa panahon ng kuwaresma.

“As Christians, we must trust that hope is always in God. In this season of Lent, the Church – through the Readings – invites us to renew our hope in Jesus Christ. And this hope means the triumph of love, of mercy. We now see concrete signs of this hope. No gun can kill hope, the goodness of the spirit in the human person. There are so many testimonies to this. The hope in Jesus Christ and His Resurrection is true and is seen precisely in the testimony of so many people.” Bahagi ng panayam ng Vatican News kay Cardinal Tagle.

Batay sa datos ng World Population Review tinatayang nasa 43.3 milyong ang populasyon ng Ukraine bago nagsimula ang paglusob ng Russia.

Marami sa mga pamilya ang nagsilikas na sa mga katabi nitong bansa habang ang ilang ay nasa pangangalaga ng mga institusyon ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 12,611 total reads

 12,611 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 93,842 total reads

 93,842 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 188,067 total reads

 188,067 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 248,557 total reads

 248,557 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 261,826 total reads

 261,826 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 99,765 total reads

 99,765 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top