Pagpapatayo ng bahay sa mga nasalanta ng bagyong Odette, prayoridad ng Diocese of Surigao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,954 total reads

Tuloy-tuloy ang pagsisikap ng Diocese of Surigao na makatulong sa rehabilitasyon ng mga tahanan na nasira ng bagyong Odette sa lalawigan ng Surigao.

Ito ang pagtitiyak ni Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Director ng nasabing dioceses mahigit tatlong buwan mula nang manalasa ang bagyo sa lalawigan.

Ayon kay Fr. Ilogon, marami na silang napagkalooban ng housing materials katuwang ang iba pang organisasyon ng Simbahang Katolika para makatulong sa pagbangon ng naapektuhan mga residente.

Inihayag ng Pari na maging ang mga hindi katoliko ay kabilang ng kanilang programa at kasama din sa mga napagkakalooban ng tulong.

“Actually sa rehabilitation, pagtulong sa [housing] materials lahat ng sakop ng mga parokya actually marami na kami natulungan hindi lang mga katoliko pati hindi mga katoliko tinulungan namin, halimbawa namimigay kami ng tig sampung yero sa bawat pamilya o kaya mga plywood o pako at kung ano yung kailangan nila” paglalahad ni Fr. Ilogon sa panayam ng Radio Veritas.

Pinag-aaralan din ng Diyosesis kung paano makatulong sa mga poorest among the poor na residente na walang maayos na bahay.

Inihayag ni Fr. Itogon na kanilang prayoridad ang “long term project” para sa mga walang tirahan.

“Meron kaming higit na pinagtutuunan din hindi lang yun repair sa mga bahay nila hindi lang yung pagbibigay ng materyales ang Diocese nag-iisip din na magpatayo ng bahay sa walang wala talaga yung mga poorest among the poor, at least meron siyang design na gagawin namin para pare-pareho. Ito yun iniisip namin na long term project, ipagpapatuloy namin ito hangga’t may makukuhanan pa ng funds”.

Naunang inihayag ni Fr. Ilogon na marami pa din sa mga naapektuhan residente ang hindi pa nakakabangon mula sa pinsala ng bagyo.

Patuloy ang iba pang mga organisasyon ng Simbahang Katolika sa pagsasagawa ng mga proyekto para makatulong sa mga apektadong mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 228,351 total reads

 228,351 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 260,082 total reads

 260,082 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 361,906 total reads

 361,906 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 402,469 total reads

 402,469 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 413,800 total reads

 413,800 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 109,848 total reads

 109,848 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top