Power is service, paalala ng simbahan sa mga kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 682 total views

Naipapamalas ng isang lider ang kanyang mga katangian at kakayahan sa taumbayan sa pamamagitan ng pagtatrabaho at pagkilos ng tapat at marangal.

Ito ang ibinahagi ni Tandag Bishop Raul Dael sa mga kandidato sa lokal na posisyon sa Surigao del Sur sa isinagawang Political Candidates’ Recollection ng Diyosesis ng Tandag noong ika-15 ng Marso, 2022.

Ayon sa Obispo, sa pamamagitan ng ganap na pagsasabuhay ng paglilingkod sa bayan ay maipapamalas sa taumbayan kung paano magdesisyon at umaksyon ang isang tunay na lider ng bayan.

Ipinaliwanag ni Bishop Dae na ang pagsisilbi bilang isang tunay na lingkod bayan ay isa ring paraan ng pakikibahagi sa misyon ni Hesus na gabayan at akayin ang lahat patungo sa bayan ng Diyos.

“Sa atung pagtrabaho, bisan sa atung pagdala sa atung mga pagbati we are teaching people, we are teaching people the way we make decisions as leaders, we are teaching people how to do decent campaign, we are teaching people about the values of good governance and by doing that we are participating in the teaching ministry of Jesus.”pagninilay ni Bishop Dael.

Muli namang binigyang diin ng Obispo ang mga tinuran ng Kanyang Kabanalan Francisco kaugnay sa tungkuling maglingkod na kaakibat ng posisyon o kapangyarihan.

Iginiit ni Bishop Dael na dapat ituring na oportunidad ng mga opisyal ng bayan ang mga posisyon at katungkulan sa pamahalaan upang higit na makapaglingkod para sa kabutihan at kaunlaran ng bawat mamamayan.

“According to Pope Francis, power is service. The more powerful we are, the more we have opportunities to serve others.” Dagdag pa ni Bishop Dael.

Isinagawa ng Diyosesis ng Tandag ang Political Candidates’ Recollection noong ika-15 ng Marso, 2022 sa San Nicolas de Tolentino Cathedral na mayroong temang “Politics is a Vocation”.

Dinaluhan ang gawain ng mga kandidato sa Congressional, Provincial at Mayoral positions sa probinsya ng Surigao del Sur.

Binigyan diin ni Bishop Dael na ang pulitika ay hindi lamang isang posisyon o tungkulin kundi isang bokasyon na kinakailangan ang ganap na pag-aalay ng sarili upang magampanan ang responsibilidad na nakaatang sa bawat posisyon sa lokal o pambansang pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 52,124 total views

 52,124 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 82,347 total views

 82,347 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 108,998 total views

 108,998 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 203,971 total views

 203,971 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 221,687 total views

 221,687 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top