Amyendahan na ang Philippine Mining Act of 1995

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,865 total reads

Iginiit ni Attorney Aaron Pedrosa, executive secretary ng SANLAKAS na napapanahon na upang baguhin ang nilalaman ng Philippine Mining Act of 1995.

Ito’y dahil magmula nang naisabatas ang Mining Act noong 1995 ay mas dumami pa ang mga kumpanyang namumuhunan sa bansa upang makapagsagawa ng operasyon ng pagmimina.

Ayon kay Pedrosa, hindi lubos na ginagampanan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kanilang mga tungkulin na pangalagaan ang kalikasan at sa halip mas pinairal ang pansariling interes nang hindi iniisip ang kahihinatnan ng kapaligiran at ng taumbayan.

“Mula noong naisabatas ang Mining Act of 1995, imbes na sentral ang tungkulin ng DENR sa pagtitiyak na pinangangalagaan ang kalikasan, ito pa ang nagtutulak o tila ba nagtuturo sa kung saan maganda magmina, dito talo ang taong bayan,” pahayag ni Pedrosa.

Sinabi pa ng abogado na hindi rin tugon sa krisis na idinulot ng COVID-19 pandemic ang muling pagpapahintulot sa industriya ng pagmimina dahil maliit na porsyento lamang ang naiaambag nito sa ekonomiya ng bansa.

“Walang mahita ang taong bayan sa Philippine Mining Act, wala pang dalawang porsyentong [Gross Domestic Product] ang kinikita mula sa pagmimina at ngayon ginawa pa itong cornerstone policy sa ilalim ng Administrasyong Duterte para sa kuno pagtugon sa krisis ng coronavirus,” dagdag ni Pedrosa.

Panawagan din ni Pedrosa na dapat panagutan nina Pangulong Rodrigo Duterte at dating DENR Secretary Roy Cimatu ang mga ipinapatupad na polisiyang higit na nagdudulot ng kapahamakan at pinsala sa kapaligiran.

Magugunita noong Setyembre 2017 nang ipag-utos ng dating DENR Secretary at yumaong si Gina Lopez ang pagpapasara at pagpapahinto sa mining operations ng nasa 28 na mining companies dahil sa paglabag sa environmental standards at Mining Act.

Samantala, Disyembre 2021 nang bawiin ng Administrasyong Duterte ang nationwide ban on open-pit mining na muling nagpahintulot sa mga makapangyarihang kumpanya na ipagpatuloy ang pagmimina sa bansa.

Sang-ayon sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco, mariin nitong tinututulan ang industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala sa mga komunidad at nakadaragdag sa labis pang paghihirap ng mamamayan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 7,115 total reads

 7,115 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 7,309 total reads

 7,309 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 22,455 total reads

 22,455 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 144,860 total reads

 144,860 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 195,224 total reads

 195,224 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 322,282 total reads

 322,282 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 406,738 total reads

 406,738 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 231,268 total reads

 231,268 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top