Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 692 total views

Ito ang mensahe ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga susunod na lider ng bansa kaugnay sa patuloy na pagiging malapit ng Pilipinas sa China.

Ipinaliwanag ng Obispo na hindi masama ang pakikipagkaibigan subalit dapat manindigan ang bansa lalo na sa usapin ng West Philippine Sea.

Ito rin ang pananaw ng opisyal hinggil sa sitwasyon ng Ukraine na kasalukuyang lumalaban sa Russia sa tangkang pananakop.

“Ang pangyayari sa Ukraine ay mensahe rin sa atin sa Pilipinas ngayong naghahanda tayong pumili ng mga leaders natin. Maging maingat tayo sa dambuhalang kalapit na bansa natin. Maging maingat tayo sa Tsina. Huwag tayo basta-bastang magpapadala sa kanila. Hindi natin alam ang balak nila. Kaya, keep distance amigo!,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Inihayag ng Obispo na nakababahala ang pananakop ng Russia sa maliit na bansang Ukraine kung saan milyung-milyong residente ang apektado ng digmaan kabilang na ang mga bata.

Iginiit ni Bishop Pabillo na dapat isapuso ng mga Filipino lalo na sa mahigit 60-milyong botante ang wastong pagpili ng mga lider ng bansa na handang manindigan laban sa China at igiit ang karapatan ng Pilipinas sa mga teritoryong sakop ng bansa.

“Kailangan natin ng leader ng ating bansa na may lakas ng loob na maninindigan para sa ating karapatan sa harap ng Tsina,” ani Bishop Pabillo.

Puspusan ang bansa sa paghahanda sa nalalapit na halalan sa Mayo at pinalalakas ng simbahan ang voter’s education campaign na layong tulungan ang mga botante na kilalanin ang karakter ng bawat kandidato na handang magtataguyod sa kabutihan ng mamamayan.

Kabilang na rito ang One Godly Vote ng Archdiocese of Manila na mapakikinggan sa Radio Veritas tuwing alas otso hanggang alas diyes ng umaga Lunes hanggang Biyernes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 48,218 total views

 48,218 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 78,441 total views

 78,441 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 105,092 total views

 105,092 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 200,065 total views

 200,065 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 218,022 total views

 218,022 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top