Power is service, paalala ng simbahan sa mga kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 720 total reads

Naipapamalas ng isang lider ang kanyang mga katangian at kakayahan sa taumbayan sa pamamagitan ng pagtatrabaho at pagkilos ng tapat at marangal.

Ito ang ibinahagi ni Tandag Bishop Raul Dael sa mga kandidato sa lokal na posisyon sa Surigao del Sur sa isinagawang Political Candidates’ Recollection ng Diyosesis ng Tandag noong ika-15 ng Marso, 2022.

Ayon sa Obispo, sa pamamagitan ng ganap na pagsasabuhay ng paglilingkod sa bayan ay maipapamalas sa taumbayan kung paano magdesisyon at umaksyon ang isang tunay na lider ng bayan.

Ipinaliwanag ni Bishop Dae na ang pagsisilbi bilang isang tunay na lingkod bayan ay isa ring paraan ng pakikibahagi sa misyon ni Hesus na gabayan at akayin ang lahat patungo sa bayan ng Diyos.

“Sa atung pagtrabaho, bisan sa atung pagdala sa atung mga pagbati we are teaching people, we are teaching people the way we make decisions as leaders, we are teaching people how to do decent campaign, we are teaching people about the values of good governance and by doing that we are participating in the teaching ministry of Jesus.”pagninilay ni Bishop Dael.

Muli namang binigyang diin ng Obispo ang mga tinuran ng Kanyang Kabanalan Francisco kaugnay sa tungkuling maglingkod na kaakibat ng posisyon o kapangyarihan.

Iginiit ni Bishop Dael na dapat ituring na oportunidad ng mga opisyal ng bayan ang mga posisyon at katungkulan sa pamahalaan upang higit na makapaglingkod para sa kabutihan at kaunlaran ng bawat mamamayan.

“According to Pope Francis, power is service. The more powerful we are, the more we have opportunities to serve others.” Dagdag pa ni Bishop Dael.

Isinagawa ng Diyosesis ng Tandag ang Political Candidates’ Recollection noong ika-15 ng Marso, 2022 sa San Nicolas de Tolentino Cathedral na mayroong temang “Politics is a Vocation”.

Dinaluhan ang gawain ng mga kandidato sa Congressional, Provincial at Mayoral positions sa probinsya ng Surigao del Sur.

Binigyan diin ni Bishop Dael na ang pulitika ay hindi lamang isang posisyon o tungkulin kundi isang bokasyon na kinakailangan ang ganap na pag-aalay ng sarili upang magampanan ang responsibilidad na nakaatang sa bawat posisyon sa lokal o pambansang pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 12,583 total reads

 12,583 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 93,816 total reads

 93,816 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 188,041 total reads

 188,041 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 248,531 total reads

 248,531 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 261,803 total reads

 261,803 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 17,744 total reads

 17,744 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top