Good Samaritans, hinihimok na makiisa sa PADAYON online concert

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,852 total views

Lubos na nagpapasalamat ang Diocese of Surigao sa suporta ng mga kapanalig para sa nalalapit na online concert ng Caritas Manila at Viva Live Inc. para mga nasirang simbahang ng bagyong Odette.

Ayon kay Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Director ng Diyosesis ng Surigao, kasama sa kanilang mga pagdarasal ang tagumpay ng online concert na pinamagatang PADAYON, pag-ibig, damayan sa pag-ahon na gaganapin sa ika-25 ng Marso.

Nagagalak si Fr. Ilogon na mapabilang ang kanilang mga Simbahan sa benepisaryo ng konsyerto dahil wala silang kakayanan sa kasalukuyan na maipatayong muli ang mga nasirang simbahan.

“Malaking bagay po ito kaya ako ay nagdadasal talaga at nagnanais na yun iba ay mabuksan din ang kanilang puso na although marami naman talaga ang matulungin at nagbabahagi ng kanilang mga biyayang natatanggap ako ay dumadalangin din na maraming mga tao ang bukas ang kanilang puso para tumulong” pahayag ni Fr. Ilogon sa panayam ng Radyo Veritas.

Matatandaang hindi nakaligtas sa pinsala ng bagyong Odette ang mga Simbahan at dahil sa pagtutok ng mga Diyosesis sa relief and rehabilitation program ay hindi naging prayoridad ang pagpapatayo nitong muli.

RELATED STORY:
Pagpapatayo ng bahay sa mga nasalanta ng bagyong Odette, prayoridad ng Diocese of Surigao

Umaasa si Fr. Ilogon na malaki ang maitutulong ng PADAYON para sa kanilang Diyosesis at maging sa iba pang napinsala ng bagyong Odette.

“Hindi lang sa Surigao kundi maging sa iba pang Dioceses na naapektuhan ng bagyo. Ako ay nagpapasalamat sa mga tumulong at handa pang tumulong at ipaabot ang kanilang mga resources para sa simbahan” dagdag pa ng Pari.

Magtatanghal ang mga kilalang mang-aawit mula Viva Incorporated sa gaganaping online concert.

Ang pondong malilikom ay ilalaan ng Caritas Manila para sa may 20 Simbahan o Kapilya na nasira ng bagyong Odette sa 10 napiling Diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 9,026 total views

 9,026 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 133,437 total views

 133,437 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 176,895 total views

 176,895 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 257,727 total views

 257,727 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 78,730 total views

 78,730 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top