7-libong pamilya, inihahanda ng Catholic Relief Service sa banta ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 438 total views

7,200 pamilya ang target na mabigyan ng sapat na kahandaan sa kalamidad ng Catholic Relief Services katuwang ang iba’t-ibang Diyosesis sa Metro Manila, Bulacan at Rizal.

Ito ang inihayag ni Marino Deocaricia, Program Manager ng Project SUCCESS (Strengthening Urban Communities Capacity to Endure Severe Shocks) kaugnay sa pagtatapos ng unang bahagi ng nasabing proyekto sa may 15 barangay sa may apat na flood prone Dioceses sa bansa.

Ayon kay Deocaricia, ikinagagalak ng CRS ang positibong resulta ng kanilang proyekto kung saan mas naging aktibo ang mga komunidad sa disaster risk reduction and management lalo na sa bahagi ng paglilinis ng kanilang mga Barangay.

“Actually madami kaming nakikitang impact lalo na pagdating sa tinatawag natin na pamumuhay at well being, dun lang sa ating programa na paglilinis monthly clean up nakikita natin visibly na mas luminis at umayos ang ating mga kanal at daanang tubig na nagiging hadlang sa maayos na daloy ng tubig na nagpapalala ng pagbaha so ngayon dahil monthly yun clean up mabilis na bumababa ang tubig at hindi na lumalala ang pagbaha noong nakaraang dalawang taon,”pahayag ni Deocaricia sa panayam ng Veritas 846.

Naniniwala ang CRS na sa pamagitan ng pagtutulungan ng Simbahan at lokal na pamahalaan partikular na sa Barangay level ay mas lalong nagiging epektibo ang adhikain na maihanda ang mga mamamayan sa mga posibleng kalamidad.

“Tingin ko ang kailangan pa talaga paigtingin [lalo na] yung role ng Diocese kasi ang role talaga ng Disater Risk Reduction ay naka-angkla sa mga barangay, sila talaga yun may regular na budget para ihanda ang kanilang komunidad, ang Diocese ay tumutulong lang para palakasin ang barangay, dapat talaga yung ugnayan ng Diocese at Barangay, para yung Barangay mas lumakas pa ang kanilang mga aktibidades pagdating sa paghahanda ng community para kapag dumating ang kalamidad hindi masyadong malaki ang pinsala,” dagdag pa ni Deocaricia.

Magugunitang ang Pilipinas ay nakakaranas ng hindi bababa sa 20 bagyo kada taon at maituturing na pang-apat sa pinaka-malapit sa pagkakaroon ng mga kalamidad ayos sa datos ng United nations office for Disaster Risk Reduction.

Kaugnay nito masigasig naman ang Simbahang katolika sa bansa sa pakikibahagi sa mga programa na naglalayon ihanda at imulat ang mamamayan kaugnay sa banta ng mga paparating na kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 28,815 total views

 28,815 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 61,897 total views

 61,897 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 90,248 total views

 90,248 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 157,979 total views

 157,979 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 179,073 total views

 179,073 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 92,656 total views

 92,656 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top