Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 694 total reads

Ito ang paalala ng Caritas Philippines sa mga kandidato para sa lokal na posisyon sa buong bansa para sa pagsisimula ng campaign period sa lokal na pamahalaan.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, National Director ng Caritas Philippines, mahalaga ang pagiging tapat at pagbibigay halaga ng mga kandidato sa Omnibus Election Code upang maging maayos at marangal ang halalan sa ika-9 ng Mayo 2022.

Ipinaliwanag ng Obispo na dapat manguna at maging mabuting halimbawa ang mga kandidato lalo’t mas malapit ang mga lokal na opisyal sa komunidad at taumbayan.

“If we want to improve the conduct of our elections, our candidates need to do the necessary, and that’s ensuring they first respect and abide by the election laws,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Tinukoy ng Obispo na ipinagbabawal sa batas ang vote buying and selling; pagtatanggal o paninira ng election materials ng kapwa kandidato; paglalagay sa mga election material sa hindi otorisadong lugar; pagkakaloob ng pagkain at transportasyon sa mga campaign sorties; at ang pangangampanya sa Mahal na Araw at pagkatapos ng campaign period.

Pinaalalahanan din ni Bishop Bagaforo ang mga kandidato sa lokal na posisyon na maging marangal sa pangangampanya at iwasan ang karahasan.

“As a virtue, kindness can bring more meaning to victory, than hitting each other below the belt,” pagbabahagi ng Obispo.

Binigyang-diin din ng Obispo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na mga programa at plataporma kung saan umaasa si Bishop Bagaforo na kabilang dito ang pangangalaga ng kapaligiran.

“Be mindful of plastic wastes, campaign with clear platforms and programs, observe decency, de quorum, and COMELEC rules, and respect one another by avoiding violence,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Ibinahagi ni Bishop Bagaforo na puspusan pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng Caritas Philippines sa iba’t-ibang mga grupo at institusyon kabilang na ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Halalang Marangal 2022, Power of Purple, I Vote God at 85 Diocesan Social Action Centers sa buong bansa upang matiyak ang pagkakaroon ng maayos, matapat, makabuluhan at marangal na halalan sa bansa.

Batay sa tala ng Commission on Elections (COMELEC) aabot sa mahigit 18,000 ang mga posisyon sa lokal na pamahalaan na kinakailangan punan sa nakatakdang National and Local Elections sa May 9, 2022 na kinabibilangan ng mga legislative district representatives; governors at vice governors; provincial board members; mayors at vice mayors; councilor; Bangamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao party representatives; BARMM parliamentary district representatives; at BARMM reserved seats and sectoral representatives.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 14,790 total reads

 14,790 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 95,887 total reads

 95,887 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 190,112 total reads

 190,112 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 250,602 total reads

 250,602 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 263,738 total reads

 263,738 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 17,973 total reads

 17,973 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top