Bureau of Corrections, hinimok ng CBCP na paigtingin pa ang pagbabakuna sa mga bilanggo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 585 total reads

Pinuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang patuloy na pagbabakuna ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa buong bansa bilang proteksyon laban sa COVID-19.

Ayon kay Legaspi Bishop Joel Baylon, Chairman ng Komisyon, isang magandang balita ang ulat ng BJMP na hindi bababa sa 92-porsyento na ng mga persons deprived of liberty (PDL) ang nabakunahan kontra COVID-19.

Inaasahan ng Obispo pa ring magsumikap ang B JMP na makamit ang pagpapabakuna sa lahat ng mga bilanggo.

Tiwala si Bishop Baylon na pagsumikapan rin ng Bureau of Corrections na mabakunahan ang lahat ng mga bilanggo sa ilalim ng institusyon kung saan batay sa tala ng kumisyon ay nasa 50-porsyento pa lamang ang nababakunahan ng BUCOR.

“We appreciate the efforts of the BJMP in this regard trying their best to achieve 100% of their PDLs get vaccinated. We also hope & pray that this will hold true also in the BUCOR jails & prisons, where our records say only less that 50% of the PDLs under it has been vaccinated. And we also don’t have any available data from the provincial jails,” pahayag ni Bishop Baylon sa panayam sa Radyo Veritas.

Una ng ibinahagi ng Obispo na naaangkop lamang ang naturang hakbang ng mga institusyon ng pamahalaan upang maipadama sa mga bilanggo ang kanilang patuloy na pagiging kasapi ng lipunan lalo na sa gitna ng pandemya.

Ipinaliwanag ni Bishop Baylon na kaakibat ng proteksyon laban sa COVID-19 ay magdudulot rin ito ng pag-asa at katiyakan na walang sinuman ang naisasantabi sa lipunan.

Batay sa ulat ng BJMP, 92.18 – porsyento na o katumbas ng 119,175 na mga persons deprived of liberty (PDLs) ang bakunado na laban sa COVID-19 habang nasa 6.54 na porsyento naman ang naghihintay ng ikalawang dose ng bakuna.

Kaugnay nito, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan ang patuloy na pagpapahalaga sa dignidad at pagkakaroon ng karapatan ng mga bilanggo sa mga mahahalagang benepisyo tulad na lamang ng serbisyong pangkalusugan maging sa loob ng mga bilangguan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 239,410 total reads

 239,410 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 271,139 total reads

 271,139 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 372,965 total reads

 372,965 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 413,526 total reads

 413,526 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 424,158 total reads

 424,158 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top