Sambayanang Filipino, hinimok na makilahok sa Banal na Oras para sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 918 total reads

Inaanyayahan ng Radio Veritas ang mga kapanalig na makibahagi sa isasagawang special programming ng himpilan kaugnay sa Earth Hour 2022.

Ito ay “Ang Banal na Oras: Earth Hour 2022 #ShapeOurFuture” na isasagawa ngayong Sabado, March 26 mula alas-otso hanggang alas-diyes ng gabi.

Tatalakayin dito ang iba’t ibang usapin sa lipunan na nakakaapekto sa kapaligiran, gayundin ang gampanin ng simbahan sa pagtiyak na napapangalagaan ang kalikasan sa patuloy nitong pagkasira sanhi ng gawain ng mga tao at pagbabago ng klima ng daigdig.

Kabilang sa mga magbabahagi sa programa sina Rodne Galicha, executive director ng Living Laudato Si’ Philippines na tatalakayin ang paksang “The Church in Shaping Our Future”; Giselle Lapid, miyembro ng World Wide Fund for Nature – Philippines National Youth Council na tatalakay sa “The Youth in Shaping Our Future”; at si Attorney Angela Ibay, National Director ng WWF – Philippines na tatalakay naman sa “Earth Hour 2022 – Shape Our Future”.

Dito’y hinihimok din ang lahat na patayin ang mga ilaw at iba pang kagamitang de kuryente sa ganap na alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi habang kasabay naman ang pagdarasal ng Santo Rosaryo na pamumunuan ng Congregation of Mother of Sorrows – Servants of Mary o ang Servite Sisters.

Magsisilbi namang anchor ng programa si Fr. Angel Cortez, OFM, miyembro ng International Steering Committee ng Laudato Si’ Action Platform ng Vatican Dicastery for Integral Human Development.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng WWF – Philippines at ng Conference of Major Superiors in the Philippines.

Mapapakinggan naman ang special programming sa Radio Veritas 846 AM at mapapanuod sa DZRV 846 facebook page at Veritas TV sa Skycable Channel 211.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 238,539 total reads

 238,539 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 270,268 total reads

 270,268 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 372,094 total reads

 372,094 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 412,655 total reads

 412,655 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 423,332 total reads

 423,332 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,746 total reads

 143,746 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top