Bakit mahalaga ang tama at totoong impormasyon

SHARE THE TRUTH

 3,223 total views

Mga Kapanalig, nabubuhay tayo sa panahong tila napakadali para sa sinuman ang kumuha ng impormasyon tungkol sa maraming bagay. Sinasabi ring ang impormasyon ay halos kasinghalaga ng hangin, tubig, at pagkaing hindi puwedeng mawala upang maging masaya at makabuluhan ang buhay ng tao.

Ngunit paano natin natitiyak na ang impormasyong nakukuha natin ay tama at totoo? Gaano nga ba kahalaga sa ating tama o totoo ang impormasyong nakukuha natin? Halimbawa, ilan na ba talaga ang mga kaso ng Covid-19 sa bansa? Anu-ano ang mga serbisyo ng gobyernong dapat nating napakikinabangan? Saan-saan makukuha ang mga ito? Sa anu-anong bagay ginagamit ang pondo ng bayan? Mahalaga ba sa atin ang mga impormasyong ito?

Ngayong nalalapit ang halalan, gaano kahalaga sa atin ang wastong impormasyon tungkol sa mga kandidatong nagnanais mamuno sa atin? Kung sinu-sino ang mahalal sa kanila, sila ang magpapasya sa maraming mga patakarang makaaapekto sa ating buhay. Ang mga desisyon nila ay makakaapekto kung magiging sapat o kulang ang magiging sahod ng mga manggagawa, kung magiging mahal o abot-kaya ang presyo ng bigas, kung magiging madali o mahirap ang paghahanap ng trabaho, o kung magiging madali o mahirap ang makatanggap ng ayuda kapag may nagkasakit o naospital sa ating pamilya.

Gaano nga ba natin pinahahalagahan ang tama at totoong impormasyon?

Kamakailan, may naganap na pag-hack sa websites ng ilang mga tagapaghatid ng balita na nagsasagawa ng fact-checking sa mga impormasyong hindi totoo na kumakalat at pinapakalat sa social media. Layunin ng mga organisasyong ito na ipaalam sa publiko ang mga maling impormasyong sadyang pinalalaganap upang paboran, o kaya naman ay siraan, ang partikular na mga kandidato. Dahil sa naganap na  hacking, hindi na tuloy mabuksan ang kanilang websites kaya hindi tuloy naipapaalam sa publiko kung tama o mali ang kumakalat na impormasyon. Ang ganitong tahasan at sinasadyang pagpipigil na malantad ang maling impormasyon ay maituturing na isang uri ng pagmamanipula sa pag-iisip at pagpapasya ng mga tao.  At ang maling impormasyon ay nauuwi sa maling pagdedesisyon.

Dahil mahirap mapatigil ang ganitong uri ng pagmamanipula sa isip ng mga nakatatanggap ng hindi totoong impormasyon, mahalagang maging mapanuri. Kaakibat nito ang pag-alam kung sinu-sino ang mga nakikinabang sa kumakalat na maling impormasyong tungkol sa mga kandidato. Sabi nga, huwag tayong magpabudol.

Likas sa tao ang naisin ang katotohanan. Ang pagsusubo ng kasinungalingan sa isang tao o ang pagpipigil sa sinumang malaman ang katotohanan ay paglabag sa dignidad at karapatan ng taong magdesisyon nang naaayon sa kung ano ang totoo. Balikan natin ang tagpo sa Ebanghelyo ni San Juan 8:38. Sa paghaharap nila ni Poncio Pilato, sinabi ni Hesus na Siya ay sumasaksi sa katotohanan. Bilang tugon ay tinanong Siya ni Pilato “Ano ang katotohanan?” At sa puntong ito ay sinabi ni Pilatong “wala akong makitang anumang kasalanan sa kanya.” Ang taong naghahangad ng katotohanan ay may kakayahang kilatisin ang totoo sa hindi.

Ngunit ang mas mahalaga ay ano ang gagawin natin sa nalalaman nating totoo? Magiging katulad ba tayo ni Pilato na ipinaubaya sa ibang tao ang pagdedesisyon kahit na alam niyang ito ay taliwas sa katotohanan? Tayo ba ay magpapadala sa opinyon ng iba kahit alam nating mali ang pinagbabatayang impormasyon ng opinyon nila?

Mga Kapanalig, sa isang mensahe sa okasyon ng World Communications Day noong 2018, pinuri ni Pope Francis ang pagsusumikap ng mga naglalantad sa mga pagpapanggap at kasinungalingang naglipana sa social media na inihalintulad niya sa taktika ng ahas, o “snake-tactics”, sa Hardin ng Eden. Ayon sa Santo Papa, sa kahuli-hulihan, ang bawa’t indibidwal ang may responsibilidad na kilatisin ang totoo.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 65,589 total views

 65,589 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 69,568 total views

 69,568 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 80,460 total views

 80,460 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 92,902 total views

 92,902 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 103,663 total views

 103,663 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 65,590 total views

 65,590 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 69,569 total views

 69,569 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 80,461 total views

 80,461 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 92,903 total views

 92,903 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 103,664 total views

 103,664 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,674 total views

 51,674 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 51,219 total views

 51,219 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 53,443 total views

 53,443 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 46,943 total views

 46,943 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 46,294 total views

 46,294 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 52,162 total views

 52,162 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 55,908 total views

 55,908 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 61,858 total views

 61,858 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 42,045 total views

 42,045 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 53,164 total views

 53,164 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top