Pagtatalaga sa Our Lady of Fatima Chapel, napapanahon sa kaguluhang hinaharap ng mundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 941 total reads

Inihayag ni Cebu Archbishop Jose Palma na napapanahon ang pagtatalaga at pagbubukas ng Capelinha de Fatima Replica sa Cebu sa gitna ng iba’t-ibang uri ng banta na kinakaharap ng mundo.

Ayon sa arsobispo, ito ay paalala sa bawat mamamayan sa mensahe ng Mahal na Birhen na pagbubuklod sa panalangin para sa kapayapaan nang magpakita ito sa tatlong bata sa Fatima Portugal noong 1917.

Itinuturing din itong biyaya ng Arsobispo sa mga Filipino dahil ito ang ikaapat na replica chapel ng Our Lady of Fatima sa buong mundo at kauna-unahan sa Asya.

“Among many significance [of the Capelinha de Fatima Replica], if you think of how the world has been threatened of the impending war, the message of Fatima— the message of peace, of prayer, and of sacrifice for the sake of the peace of the world and renewal of returning to Christ— is significant and timely,” pahayag ni Archbishop Palma.

Tinukoy ng arsobispo ang kasalukuyang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine na nagsimula noong Pebrero kung saan apektado na ang mahigit tatlong milyong Ukrainians habang higit sampung libong katao ang nasawi sa magkabilang panig.

Matatandaang isa sa mga mensahe ng Mahal na Birhen ang pagtatalaga sa buong mundo sa kanyang kalinga lalo na ang pagpapanibago ng Russia upang makamit ang pandaigdigang kapayapaan.

Batay sa kasaysayan matapos ang pagpakita ng Mahal na Birhen, pinangunahan ni Pope Pius XII ang pagtatalaga ng buong mundo sa kalinga ng Mahal na Ina noong 1942 at nasundan taong 1952 bilang pagtatalaga sa Russia sa bisa ng Apostolic Letter na Sacro Vergente Anno.

Muling itinalaga ang Russia noong 1964 sa pangunguna ni Pope St. Paul VI sa ginanap na Second Vatican Council habang March 25, 1984 nang italaga ni Pope St. John Paul II ang Russia sa kalinis-linisang puso ni Maria.

Sa pahayag ni Sr. Lucia dos Santos, isa sa mga batang pinagpakitaan ng Mahal na Birhen, naisagawa ng tama ang pagtatalaga noong 1984 batay sa kahilingan ng Mahal na Ina.

Kaugnay nito muling hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya na magkaisa sa muling pagtatalaga sa Russia at Ukraine sa March 25, 2022 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa Panginoon upang mahinto na ang digmaan ng dalawang bansa.

Samantala, gagawin ang blessing at consecration sa kauna-unahang replica chapel ng Our Lady of Fatima sa San Remigio Cebu sa April 4 sa pangunguna ni Archbishop Palma.

Inaasahan din ang pakikiisa ng mga kinatawan mula sa Fatima Portugal at iba’t ibang grupong namimintuho sa Mahal na Ina sa pangunguna ng World Apostolate of Fatima in the Philippines.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 6,852 total reads

 6,852 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 7,031 total reads

 7,031 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 21,952 total reads

 21,952 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 144,381 total reads

 144,381 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 194,745 total reads

 194,745 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 321,803 total reads

 321,803 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 406,288 total reads

 406,288 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top