PPCRV at AMA, lumagda sa MOA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 972 total reads

Opisyal nang nilagdaan ng pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at AMA Education System ang kasunduan ng pagtutulungan sa May 9 – National and Local Elections sa bansa.

Sa pamamagitan ng naganap na Memorandum of Agreement (MOA) Signing noong ika-28 ng Marso, 2022 ay pinagtibay ng dalawang institusyon ang pagtutulungan sa pagbabantay at pagtiyak ng malinis, matapat, makatotohanan at mapayapang halalan sa bansa.

Ayon kay PPCRV Chairperson Myla Villanueva, mahalaga ang papel na ginagampanan ng AMA upang ganap at patuloy na maisakatuparan ang pagbabantay sa boto ng bawat mamamayang Filipino katuwang ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Pagbabahagi ni Villanueva mula pa noong taong 2010 ay malaki na ang ambag ng AMA sa pagsasakatuparan ng PPCRV sa misyon nito tuwing halalan.

“Our command center along with the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) is there to make sure that our public’s vote is represented and their votes are heard and so I thank you AMA for always being there with us, they have been our partner since 2010,” pahayag ni Villanueva.

Tiniyak naman ni AMA Education System chairman Ambassador Amable Aguiluz V ang patuloy na paninindigan ng AMA sa pagtiyak ng katapatan at katotohanan sa resulta ng halalan sa bansa.

Tinukoy ni Aguiluz, ang naganap na snap presidential elections noong taong 1986 na pagsisimula ng electoral journey ng AMA sa pagbibigay ng technical support at volunteer sa COMELEC Quick Count na layuning makapagkaloob ng mabilis at matapat na resulta ng halalan sa publiko.

“AMA’s electoral journey start in the 1986 snap presidential elections. AMA provided technical support and volunteer to the COMELEC Quick Count at the PICC. In the subsequent elections since 1987 after the EDSA Revolution, AMA is engaged in delivering quick election results to the general public,” pahayag ni Aguiluz.

Ang naganap na MOA Signing sa pagitan ng pamunuan ng PPCRV at AMA Education System ay maituturing na renewal o pagpapanibago sa kasunduan ng pagtutulungan ng dalawang institusyon na nagsimula ng ipatupad ang Automated Elections sa bansa noong taong 2010.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 8,614 total reads

 8,614 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 8,850 total reads

 8,850 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 24,755 total reads

 24,755 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 147,064 total reads

 147,064 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 197,427 total reads

 197,427 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 324,485 total reads

 324,485 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 408,765 total reads

 408,765 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top